James Reid
MV ni James nahirapang maka-1 M
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2019 - 12:00am

Inaabangan din sa ABS-CBN Ball si James Reid.

Wala pa raw kasi itong contract with Kapamilya Network matapos lumayas sa kanyang management group - Viva.

Actually, akala raw ng ABS noon ay sabay silang magre-renew ng contract ni Nadine Lustre pero ‘di nga raw ito sumipot.

Kung sabagay, parang maligaya na naman ang actor sa ginagawa niya ngayon dahil kahapon ay nagparamdam siya sa social media.

Nagpasalamat siya kay Nadine dahil naka-1 million views na ang Fiend MV (music video) niya sa loob ng three weeks na kung tutuusin nga ay parang sign na ‘yun na wala na talaga sa pick ang career niya.

Mahina ang 1 million sa 3 weeks.

Yung ibang artista, hindi pa man nakaka-2 araw, 1 million views na.

Ang mag-dyowa ang magka-partner sa Fiend MV.

Fans ni Claudine nang-aaway

Aktibo ngayon ang fans ni Claudine Barretto sa social media.

Nakabantay sila sa mga pumupuna sa kanilang idolo. Nagagalit sila at bumubuwelta.

Naudlot ang pagbabalik-pelikula ni Claudine with Piolo Pascual.

Diumano ay sa actress na sked ang naging problema pero walang naririnig sa actress na paliwanag.

Tanging ang fans lang niya ang nagtatanggol sa kanya.

JAMES REID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with