Inigo Pascual
Inigo ayaw paawat sa pakikipag-collab!
YSTAR - Baby E (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2019 - 12:00am

Grabe naman ang suwerte, Salve A., ng anak ni Piolo Pascual na si Inigo Pascual. Heto at may bago na naman siyang international single ang Adios na isang upbeat track kung saan ka-duet niya ang Singaporean hip-hop/R&B artist na si Akasha.

Ang Akasha ay screen name lang ng said singer at ang ibig sabihin nito ay strong  tree.

Ang said single ay naririnig na ayon sa Star Records executive na si Jo­nathan Manalo sa Spotify, Apple Music at iba pang digital stores worldwide.

It is Star Music, Sir Jonathan further stated, which produced Adios dito sa Pilipinas.

Matatandaang ini-launch na ni Inigo ang kanyang first international single na Options sa US at Canada.

And don’t look now, Inigo’s movie, I’m Ellenya L., with former girlfriend, Maris Racal, is finally showing on Friday, September 13, in theaters nationwide. Idinirek ito ni Boy 2 Quizon at isa sa mga entry ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na taun-taon ay organized ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), headed by Liza Diño-Seguerra.

Sen. Risa umeksena sa Panti…

Speaking of another PPP entry, present si Sen. Risa Hontiveros sa premiere ng The Panti Sisters, produced by the IdeaFirst Company, Black Sheep at Quantum Films, Tuesday September 10, at the SM Megamall.

The Panti Sisters, starring Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables, had the three actors playing gay brothers. Which could be the reason kung bakit nagkainteres si Senator Risa to watch the film.

Common knowledge na matindi ang pagtingin ni Senator Risa sa members ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender). Hindi nga ba at siya ang author ng SOGIE (for Sexual Orientation Gender Identity Expression).

Well, the Panti Sisters is just a movie. At nagkataong may pagka-comedy pa. Although may mga dramatic na eksena.

Kaya marami ang nag-e-enjoy panoorin ito. Lalo pa nga at ang direktor ay si Jun Robles-Lana, who hopes na maka-enlighten ito sa kung anumang controversy na likha ng kung tagurian ng lipunan ay third sex.

Magaling sa kanilang performances sina Paolo na at home sa kanyang role, naturally, at sina Martin at Christian. Lalo na when they tried outgoing each other, para mapagbigyan  ang hamon ng kanilang ama (played  by John Arcilla) na bigyan siya ng kahit sino sa kanila ng apo.

May kaukulang prize ang nabanggit na hamon. Amounting to hundreds of millions of pesos.

Ganunpaman, matindi ang aral na hatid din ng pelikula, which incidentally, also stars Carmin Martin, Rosanna Roces, Joross Gamboa, Roxanne Barcelo, Luis Hontiveros at Johnny Revilla, among others.

Arci makaluma ang atake sa sex

Hindi raw nakikita ni Arci Muñoz ang sarili engaging in an open relationship. Old-fashioned pa rin daw siya, when it comes to having sex. Obviously, she would obliged to, wika nga, have her ‘used’ by someone she loves lang.

Sa Open ay makakasama niya si JC Santos. Pareho silang engage sa open relationship. Yes, after 14 years na nagkarelasyon sila na kulang na lang ay kasal.

Ang tindi ng acting nila. Pati na ni Ina Raymundo na ang ganda rin ng role sa pelikula.

Directed by Andoy Ranay, it’s one of the entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino na maituturing na ‘must see.’

Ayon nga pala kay Liza Diño-Seguerra, head ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na siyang may pasimuno ng PPP, special ang admission price per movie sa mga estudyante. Kailangan lang nilang mag-present ng ID.

The filmfest opens this Friday, September 13. All entries will be shown in theaters nationwide.

Osang nakadalawa sa PPP

Grabe itong si Rosanna Roces, dalawa pala ang PPP entries na kasama siya. Bukod sa The Panti Sisters, which has her playing the role of Christian Bables’ mother, nasa cast pa rin siya ng G!, directed by Dondon Santos.

A production of Cineko Production, the young talents in G include McCoy de Leon, Jameson Blake, Paulo Angeles, Mark Oblea and Kira Balinguer.

Also starring sina Dominic Roque, Jao Mapa, Precious Lara-Alcaraz, Roxanne Barcelo, Gio Alvarez and Joey Marquez.

INIGO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with