Aktres at ina tinengga ng network sa pagmamaldita
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2019 - 12:00am

Nagsisisi siguro ang aktres na ito at ang kanyang ina dahil sa pag-a-attitude, hindi muna binibigyan ng teleserye ang aktres, ito’y kahit maganda ang acting na kanyang ipinakita sa huli niyang teleserye. Hindi kasi nagustuhan ng management kung saan nakakontrata ang aktres sa mga demand nito sa production.

Walang regular show ang aktres ngayon, pa-guest-guest lang siya at sa huli niyang guesting, dalawang eksena lang yata siya, but at least, may dialogue. In fairness, kahit two scenes lang at maiksi ang dialogue, nagmarka pa rin ang guesting ng aktres.

Anyway, nabasa namin na nag-congratulate ang aktres sa kasabayan niyang aktres na may bagong teleserye ngayon. Kung hindi siguro nag-attitude ang aktres, baka kasama siya sa cast ng teleserye na kasama ang kaibigan niya.

Sana, natuto na ang aktres at ang kanyang ina na ipaubaya sa manager ang pagde-demand para hindi ma-freeze.

Jean astig sa Watch

Ang bagsik ni Jean Garcia sa action movie na Watch Me Kill sa rami ng kanyang pinatay at ang nakakaloka sa karakter niyang si Luciana, kahit ang walang kasalanan basta naging witness sa ginawa niyang pagpatay, pinapatay din niya.

Makikita si Jean sa movie na walang make-up na dapat lang dahil sa role niya na

laging on the go at baka magtaka pa ang mo­viegoers kung bakit siya naka-make up. Mahusay bumaril si Jean at maliksi sa fight scene dahil ‘yun sa nag-training siya ng shooting at Krav Maga. Binigyan pa ng tips ni director Tyrone Acierto kung paano umakting.

Dumalo sa premiere night ng Watch Me Kill ang ilang foreigner technical people ng movie na ang biro nga ni Jean, bigla na lang niyang na-realize that she was working with young and good looking people on the set dahil totoo.

Nakatulong sa mood ng movie na live sound ito at gumamit ng negative at old camera. Kasama sa cast si Althea Vega na killer din, Bodjie Pascua, Junyka Santarin, Rodolfo Muyuela at Jay Manalo.

Showing ang Watch Me Kill simula sa September 13 to 19, produced ito ng Cine Bandits Entertainment at distributed ng Viva Films.

Anak ni Isko naudlot sa serye

Hindi na pala natuloy pumasok sa Afternoon Prime ng GMA 7 na Prima Donnas si Joaquin Domagoso, ang anak ni Manila Mayor Isko Moreno. Nanghinayang ang director ng soap na si direk Gina Alajar.

Kay Jillian Ward yata itatambal si JD na tiyak may chemistry at saka, nag-workshop na raw si JD at excited na mapabilang sa cast ng Prima Donnas. Ang studies nito ang pumigil sa kanya.

Sa ngayon, sa Studio 7 muna siya napapanood.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with