Daniel Padilla, Kathryn Bernardo
Kathryn at Daniel biyaheng Iceland para sa next movie
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - September 11, 2019 - 12:00am

KathDen tinuldukan na

Naaliw ako sa mga KathNiel fans na pinag-trending nila ang #BacktoKathNiel na ibig sabihin, tapos na ang KathDen tandem kahit namamayagpag pa sa ibang bansa ang pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Nabasa ko ang ilang posts ng mga fans sa Twitter na parang nakahinga na sila nang maluwag dahil ang dating, tapos na ang tandem nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Ang di lang maganda, may mga fans na tila inaaway na si Alden. May kuwento kasing lumabas na baka dumalo raw si Alden sa ABS-CBN Ball.

Sabi ng iba, walang ‘Joy’ daw na pupunta sa ball, wala ring ‘Ethan’, kundi sina Kathryn at Daniel ang magkasamang darating.

Kung anu-ano pang tweet na may panlalait kay Alden.

Yun pala hindi.

Tinanong ko naman ang taga-GMA Ar­tists Center kung dadalo ba si Alden sa ball na iyun ng ABS-CBN 2. Pero wala naman daw silang natatanggap na imbitasyon.

Ang isa pang napansin namin, nanganganib na matuloy sa ‘word war’ ang mga fans nina Daniel at Alden.

Ang iba ay pinepersonal na si Alden at kung anu-anong kuwentong inilalabas na kinukuwestiyon ang pagkalalaki ng bida ng The Gift.

Hindi rin nagpatalo ang fans nito. Hindi ko pa nakita, pero may pasabog din daw ang fans ni Alden na kung saan may video na binanggit daw ni Kathryn sa ASAP na nagpasalamat siya kay Alden.

Nakunan daw na sumimangot si Daniel nang binanggit si Alden.

Hindi talaga naiwasang nagkakaroon ng selosan, kaya mabuti na lang nga kumita na nang limpak-limpak ang HLG kaya puwede na nga sigurong exit na ang KathDen at pabalikin na si Kathryn kay Daniel.

Kaya nga siguro nag-post si Kathryn ng isang makabagbag damdaming mensahe kay Daniel para kumalma na ang fans nila.

May tini-tweet pa silang maga-Iceland sina Daniel at Kathryn, na ang sabi ng ilang napagtanungan namin, doon daw kukunan ang Valentine movie nilang dalawa.

Mikee dedma sa bintang na tibo

Hindi pa masabi ni Mikee Quintos kung siya ba at pati si Thia Tomalla ang magiging love interest ni Alden Richards sa bagong drama series nilang The Gift na magsisimula sa September 16.

Okay naman daw kung ma-link siya kay Alden with matching kilig pa.

Pero doon na rin namin nalamang may dini-date pala ngayon si Mikee. Ayaw na lang daw niyang isapubliko dahil non-showbiz guy daw ito.

“I’m dating someone po ngayon,” pakli ni Mikee nang nakatsikahan namin sa nakaraang mediacon ng The Gift.

“Mas gusto ko tago na lang o private yung relationship.

“Somehow, mas totoo yung feeling. Hindi ko kailangan ang validation ng ibang tao para magpakita na masaya kami,” dagdag niyang pahayag.

Pero hindi rin nakaligtas si Mikee sa isyung matagal nang natsitsismis sa kanya, na kinukuwestiyong ang pagkababae niya.

Nakarating na raw sa kanya yan, ipinagkibit-balikat na lang daw niya dahil sure naman daw siyang babaeng-babae siya.

“Alam ko naman po yung totoo and alam po ng mga taong mahal mo yung totoo, iyun ang importante sa akin,” pakli ng Kapuso young actress kaya hindi raw siya apektado sa ganung tsismis.

Julie Anne at Rayver lutang ang chemistry

Agree naman ang karamihan sa naobserbahan naming may chemistry pala sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz. Kaya nga nabuo ang JuliVer tandem nilang dalawa sa segment nilang Duet With Me sa Studio 7.

Kaya maganda ring sila ang napi­ling Clash Master sa second season ng The Clash na magsisimula sa September 21.

Silang dalawa ang sisigaw ng pinasikat ni Regine Velasquez na “The Clash! Isa laban sa lahat!”

Natutuwa silang dalawa na nakita ang magandang chemistry nila  kaya kahit may Studio 7 pa, okay lang na mapanood muna sila sa The Clash.

“Kasi one of the factors po talaga na kailangan sa isang show ay magkaroon ka ng chemistry dun sa mga katrabaho mo. Hindi naman po mahirap katrabaho si Rayver,” pakli ni Julie Anne.

Sabi naman ni Rayver; “Ang bilis kasi namin mag-jive. Sa mga prod numbers, natuwa ang mga tao.

“Naging close pa kami sa Studio 7,” kaya mukhang eepek dito sa The Clash ang kanilang tandem.

Maganda rin at naiwan pa rin ang original na Clash panelists na sina AiAi delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha.

Papatunayan din ang Bobrey tandem nina Ken Chan at Rita Daniela na Journey hosts sa singing competition na ito.

DANIEL PADILLA KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with