Aktres na lukring, walang effort ang husay sa pag-arte
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - September 11, 2019 - 12:00am

Habang pinanonood ng aming source ang isang seryeng nagtatampok sa isang magandang female personality bilang kontrabida ay isa lang ang nasabi nito, “Magaling talaga siya, kasi, hindi na siya umaarte.”

Makahulugan ang komento ng aming source, hindi na kasi umaarte ang magandang aktres, dahil kung ano ang kanyang role sa serye ay ‘yun din siya sa totoong buhay.

Nagkahiwalay ang female personality at ang kanyang karelasyong nag-aarti-artista rin, nagkaroon sila ng anak, hindi naging maayos ang kanilang hiwalayan.

Kuwento ng aming impormante, “Lukring pala ang babaeng ‘yan, bipolar! Kapag gusto niyang magwala, gagawin niya, kahit wala namang kadahi-dahilan!

“Napapraning na lang ang partner niya, siyempre, dahil bakit nga naman ganu’n ang ugali ng girl? Maayos na maayos sila, walang problema, pero sa isang iglap lang, e, bigla nang magdadadakdak ang girl, galit na galit, kahit wala namang reason?

“Masuwerte siya dahil mabait ang guy, hindi na lang siya pinapatulan, pinababayaan na lang ang mga kapritso niya!” napapailing na kuwento ng ­aming source.

Hindi na nakakapanibago ang ugali ng female personality dahil nang maging magkarelasyon sila nu’n ng isang young actor ay ganu’n din ang inirereklamo ng pamilya ng male personality.

Isang source naman ang nagsabi, “Wala na silang ginawa nu’n kundi ang mag-away! Uuwi lang ang guy sa family niya, e, nagwawala na ang girl! Hinahawakan niya sa leeg ‘yung boyfriend niya, e, super-tight ang relasyon ng family ng BF niya!

“Inis na inis sa girl ang mommy at mga kapatid ng male personality dahil hindi niya pinapayagang dumalaw man lang sa fa­mily ‘yung tao! Gusto niyang kontrolin!

“Pero hindi niya ‘yun kinaya, clannish ang BF niya, kaya ang ending, nakipaghiwalay na lang sa kanya! Super-insecure ang babaeng ‘yun, e, ang ganda-ganda niya, di ba?” reaksiyon ng impormante.

Maraming nagsasabi na mahusay guma­nap na kontrabida ang magandang aktres, pero kung ang tatanungin ay ang mga nakakaalam sa tunay niyang ugali ay hindi ‘yun acting, kundi ekstensiyon lang ng kung sino siya sa tunay na buhay.

Pagsasarado sa kuwento ng aming source, “Lumayo pa tayo! May sinasanto ba ang babaeng ‘yan? Bakit ba siya kinasuhan nu’n ng mismong kapatid niya? ‘Yun lang!”

Ubos!

Kris walang nagawa sa request ni Josh kay Willie

Miyerkules nang gabi nang mag-dinner kami sa helipad ni Willie Revillame sa Wil Tower. Parang saku-sakong diyamanteng isinabog sa paligid ang mga ilaw sa buong Kamaynilaan na tanaw na tanaw mula sa helipad.

Habang ipinagluluto kami ng steak ni Willie ay sinabi niya, “O, ang anak-anakan mo, dito rin sila magdi-dinner bukas!”

Sinong anak-anakan? “Si Kris (Aquino), nandito siya bukas kasama sina Joshua at Bimby,” sabi ni Willie.

Hindi na bago ‘yun dahil kapag si Willie naman ang may sapat na panahon ay siya mismo ang dumadalaw kina Josh at Bimby. Malapit sa kanyang puso ang mga anak ni Kris.

Nu’ng huling pagdalaw ni Willie sa dalawang bata ay hindi matapus-tapos ang kaligayahan ni Josh. Itinabi pa nito sa pagtulog ang Wowowin jacket at mga CD na ibinigay niya sa nagbibinata nang anak ni Kris.

Kabisado ni Josh ang mga kanta ni Willie, kapag nasa biyahe sila ay puro kanta ni Willie ang maririnig na paulit-ulit na pinatutugtog ni Joshua, sinasabayan nito ang pagkanta ng aktor-TV host.

Ganu’n katindi ang kanilang pagmamahalan, kaya kapag nagyaya si Josh sa lugar ni Willie ay walang magagawa si Kris, kailangan nilang sundin ang hiling ni Kuya Josh.

Pero hanggang du’n lang ‘yun, hindi puwedeng haluan ‘yun ng romansa sa pagitan nina Willie at Kris, hindi sila puwedeng maging magkarelasyon.

Matigas ang ulo ni Willie, mas matigas ang ulo ni Kris, kaya baka ilang araw pa lang silang magkarelasyon ay magkahiwalay rin sila agad.

Mas maganda nang magkaibigan lang sila, mas maayos ang sitwasyon na ang mga anak na lang ni Kris ang mamahalin ni Willie, para maiwasan ang World War 4.

Ha! Ha! Ha! Ha!

WILLIE REVILLAME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with