^

PSN Showbiz

Maymay si Edward lang ang gustong makatambal!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maymay si Edward lang ang gustong makatambal!
Maymay Entrata

Kamakailan ay magkasamang nagbakas­yon sa Japan sina Maymay Entrata at Edward Barber. Pinuntahan ng aktres ang ina at mga kapatid na naninirahan doon. “’Yung nanay ko, OFW siya sa Japan mahigit 28 years na siyang nando’n kasama ‘yung mga kapatid ko. Masaya ako sa recent bakasyon ko. Kasama ko si Dodong (tawag ni Maymay kay Edward) tapos nakapag-chill lang kami, nakapag-relax kami. Nagpapa-healthy kami para sa upcoming concert namin ngayong September 27,” nakangiting pahayag ni Maymay.

Ngayon ay todong-paghahanda na ang ginagawa nina Edward at Maymay para sa M.E. & U concert na gaganapin sa New Frontier Theater. “Sobrang excited na kami. Lahat naman hindi mase-stress ‘pag pinaghahandaan. Kaya ngayon todo rehearsal kami. Madami silang aabangan. May hindi ako nagawa sa Dream concert na magagawa ko ngayong September 27,” pagbabahagi ng dalaga.

Hindi pa opisyal na magkarelasyon sina Maymay at Edward pero puspusang panunuyo ang ginagawa ng aktor sa dalaga. Para sa aktres ay ang ngiti ng binata ang talagang nagustuhan niya rito. “’Pag nag-smile siya, kasi ‘di ba seryoso talaga si Edward. ‘Yung personality niya lalo na kapag magkasama kayo or ‘yung mga kasama niya bago siyang kilala, serious type talaga siya. Kaya kapag nakita mo siya mag-smile siya sa ‘yo, ayun,” paglalahad ng aktres.

Uso ngayon sa show business ang pagpapalit ng mga katambal. Hanggang maaari ay si Edward lamang ang gustong makatambal ni Maymay ngayon sa lahat ng mga proyektong ginagawa. “Hindi ko alam kung anong mang­yayari sa future. Masaya ako na si Dodong muna. Kasi parang mas kumportable habang naggo-grow ka pa, may kasama ka sa lahat ng pagsubok,” pagtatapos niya.

AC Bonifacio mas gustong mag-solo sa ABS-CBN Ball

Kapag walang trabaho ay iginugugol lamang ni AC Bonifacio ang kanyang panahon sa pagsasayaw. Ayon sa dalagita ay talagang hilig na niya ang pagsasayaw kahit noong bata pa lamang. “Lagi akong sumasayaw. As in ‘pag nasa bahay lang din ako, I have mirrors in my room where I just like to train and practice, and face that because there’s really nothing that I can’t learn. There’s always something new that I can learn from myself and from other people. I love to just keep training when I can,” pagbabahagi ni AC.

Samantala, sobrang excited na ang dancer-actress na dumalo sa ABS-CBN Ball na gaganapin sa isang hotel sa Taguig City ngayong Sabado. “I’m excited because last year we didn’t really have a theme. We didn’t really have a theme last year. So this year modern Filipiniana. I’m really excited because sobrang boyish ako because I don’t really wear gowns and everything. So this is the one night na talagang magre-ready ako. Pero no escort. I’m flying solo, I’m still a kid,” natatawang pahayag niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

MAYMAY ENTRATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with