Anne naka-relate sa naranasan ni Kathryn kay Daniel
Anne
Anne naka-relate sa naranasan ni Kathryn kay Daniel
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - September 8, 2019 - 12:00am

May 1,108,852 likes na ang post ni Kathryn Bernardo sa pa-thank you niya kay Daniel Padilla sa pagiging supportive at understanding. Ang daming nagkagusto sa post na ‘yun ni Kathryn at si Anne Curtis nga, naka-relate dahil may husband din siyang supportive at understanding sa trabaho niya bilang aktres.

Comment ni Anne: “Soo sweet. It’s always the best feeling when two people who love each other support each other and allow each other to spread their wings and fly (sometimes without them by their side) and STILL be genuinely happy for them. That’s when you know you’ve found yourself a keeper. Kilig!!! Congratulations again on the success of Hello, Love, Goodbye.”

Nagbabakasyon sa Japan ngayon sina Daniel at Kathryn, a well-deserved vacation for the actress after the shooting and promo of HLG. Curious lang kami kung bakit naka-set sa limited comments ang post na ito ni Kathryn.

Anita Linda hindi pa makakalimutin

Sayang at hindi nakarating si Ms. Anita Linda sa mediacon ng Circa, ang pinagbibidahan niyang pelikula na isa sa official entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa September 13 hanggang Sept. 19.

Sabi kasi ni director Adolf Alix, Jr., manggaga­ling pa sa Alabang Hills ang mahusay na veteran actress na at 94 years old, considered the oldest working actor in the industry. Kwento pa ni direk Adolf, sinasabihan siya ni Ms. Anita na kung may pelikula siya, isama siya sa cast dahil kaya pa naman niya at nakaka-memorize pa ng kanyang lines. Inuunahan din daw siya nito na ipaalala sa kanya kung may nakalimutan siya sa kanyang dialogue.

Anyway, nabanggit din ni direk Adolf na third ang Circa sa trilogy movie niya about the mo­vies. Nauna ang Adela (2008), Presa (2011) at Circa (2019) na tribute sa 100 years celebration ng centennial year ng Filipino cinema.

Ang huhusay ng cast na sina Laurice Guillen, Gina Alajar, Jaclyn Jose, Ricky Davao at Elizabeth Oropesa. No wonder, na-starstruck si Enchong Dee na gumaganap sa role ni Michael, apo ni Doña Atang sa pelikula.

Khalil naka-A sa suporta kay Gabbi

Based sa feedback, marami ang naka-appreciate sa post ni Gabbi Garcia kung paano siya sinuportahan ng BF niyang si Khalil Ramos nang i-present siya together with other ladies as one of the Pond’s Girls.

Dahil very supportive si Khalil, tiyak na suportado rin nito si Gabbi sa worldwide premiere ng action/drama series na Beautiful Justice sa September 9, after 24 Oras. Isa si Gabbi sa mga bidang babae na gagamit ng baril at makikipaglaban sa mga taong pumatay sa mahal sa buhay ng mga karakter nila nina Bea Binene at Yasmien Kurdi. Si Mark Reyes ang director ng action/drama series.

ANNE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with