Hashtags Mccoy, Jameson, Paulo at Mark, ânakatikim naâ

Hashtags Mccoy, Jameson, Paulo at Mark, ‘nakatikim na’

Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 5, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakakatuwa ang pelikulang G! starring McCoy de Leon, Jameson Blake, Paulo Angeles at Mark Oblea with Kira Balinger, Joey Marquez and Roxanne Barcelo.

Sa umpisa, akala mo ay ordinaryong millennial / barkada movie pero may tama sa puso ang samahan nilang magkakaibigan sa kuwento ng pelikula na isa sa official entries sa gaganaping Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na mapapanood sa mga sinehan nationwide beginning September 13.

Isang malalim na samahan ng apat na estudyante ang kuwento ng G.

Andun ang loyalty at pagmamahal sa isa’t isa kahit anong mangyari pero may touch ng sexual awakening.

Pero dadaan sila sa isang trial na pinagsamahan nila na mas nagpa-excite sa kuwento ng pelikula na dinirek ni Dondon Santos.

Interesting at bagay ang apat na Hashtags members sa kani-kanilang role bilang magkaka-barkada.

Pero in real life pala, hindi na sila mga virgin. May mga karanasan na.

Yup aminado sila na may karanasan na sila at sa mga may edad sa kanila.

“No!” sagot ni Jameson.

“Pag sinabi ko bang hindi, maniniwala kayo? Hindi na,” tugon ni Mark.

“Siyempre parte ng pagiging lalaki ‘yan. No. Hindi na,” sagot ni Paulo.

“After marriage po sana eh. Kaso, hindi na umabot! Ha! Ha! Ha!” sagot naman ni McCoy.

Hahaha. Bongga at least honest sila.

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang G.

MCCOY DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with