^

PSN Showbiz

Lea pinagmamalaki ang theme song ng Sea Games

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Si Lea Salonga ang kakanta ng official theme song ng 2019 30th Southeast Asian Games na gagawin sa bansa sa November. Sina National Artist for music Ryan Cayab­yab at Palanca award-winning writer director Floy Quintos ang nasa likod ng theme song titled We Win As One.

Tweet ni Lea, si Ryan ang composer, si Floy ang lyricist at sina Ryan at Jimmy Antiporda ang arranger. Napapanood na rin ang music video na ayon kay Lea, mas magandang panoorin ang video sa YouTube.

Maganda na ang theme song, maganda pa ang music video na ipinapakita ang Pinoy athletes at ipinapakita ang world-class venues ng sports events na gagawin sa New Clark City.

Just wow...

Frankie nina Sharon at Kiko sa hotel nakatira habang nag-aaral sa NY

Suportado ng kanyang mga kaibigan at pati fans kung itutuloy ni Sharon Cuneta ang desisyon na mag-semi retire sa showbiz. Isa sa may magandang comment ay si Cherie Gil na nagsabing “You deserve to live the life you want and be happy. Yes, I get you! Love you Shawie.”

Sumali sa convo si Frankie Pangilinan na ang sabi, “I’m so proud of you mama ko. i love you” na sinagot ni Sharon ng “I love you more than life itself, my Baba. Miss you.”

Isa sa napansin ng mga nakabasa ng post ni Sharon tungkol sa planong semi-retirement at sa pag-aaral ni Frankie sa New York ay ang nabanggit ni Sharon na sa hotel niya iniwan si Frankie.

Hindi sa apartment o condo nag-i-stay si Frankie, kundi sa hotel at napa-wow ang nakabasa dahil ang mahal daw ng hotel sa New York. Nakaka-wow nga!

Carlo inilantad ang girl

Hindi na takot si Carlo Aquino na i-share ang picture nila ng GF niyang si Trina Candaza. Sa IG story ay pinost ito ni Carlo kung saan black and white ang picture at yakap ni Carlo ang GF na sinadyang takpan ang kalahati ng mukha ng mahabang buhok, makikita pa ring maganda si girl.

Hindi na rin kailangan ang caption sa picture dahil sa mata pa lang ni Carlo, ramdam ng he is in love...they are in love.

Sinundan ‘yun nang pagpo-post ni Carlo ng picture pa rin nila ni Trina sa Baguio kung saan, nag-celebrate ng kanyang 34th birthday noong September 3 si Carlo. Hindi na rin takot ipakita ni Carlo na nakaakbay siya kay Trina at all smiles ang dalawa katabi ang mga kaibigan.

‘Katuwa lang ang ibang reaction ng netizen, biniro si Carlo na mag-promote muna siya ng movie nila ni Maine Mendoza na Isa Pa With Feelings. In fairness sa dalawa, hindi nila kailangang magpaka-sweet sa promo dahil alam ng tao ang status nila sa kanilang personal life.

Jo suwerte kay Alden

Sa presscon ni Alden Richards after he signed the renewal of his contract with GMA Network ipinalabas ang trailer ng teleserye niyang The Gift. Maganda ang trailer at sa first part, may halo pang comedy at light ang mga eksena at ang madrama lang ay nang mang-hold up ang karakter ni TJ Trinidad na gumaganap na Sep (Alden’s dad).

Ang ganda ng mga eksena nina Alden at Jo Berry na gaganap na kanyang adoptive mother. Aliw na kunyari nagkauban siya nang lumaki na si Sep at hindi siya nagpakabog kay Elizabeth Oropesa.

Sa September 16, na ang worldwide pilot ng The Gift, susunod sa Beautiful Justice sa direction ni LA Madridejos.

Sa mga eksena na kinunan sa Divisoria, makikitang malinis na talaga ang Divisoria Market, wala na ang mga nakaharang na vendors, cars at kung anu-ano pang nakaharang sa daan. Maganda at malaki ang ginawa ni Manila Mayor Isko Moreno.

vuukle comment

LEA SALONGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with