_ngayon
^

PSN Showbiz

Alden Asia’s Multimedia Star na, tumaas na rin ang TF!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Alden Asiaâs Multimedia Star na, tumaas na rin ang TF!

Patuloy ang pagiging Kapuso ni Alden Richards pagkatapos niyang pumirma ng renewal of contract sa GMA-7 kahapon ng tanghali. Tumuloy siya sa mediacon pagkatapos ng contract-signing.

Ang nakakatuwa, kasama ni Alden ang ibang fans niya sa mediacon at doon na rin nila inihayag ang bagong bansag niya na Asian Multimedia Star. Pero sinabi ko nga sa kanya na mas gusto ko pa rin ang Box-office King dahil doon mo talaga nakikita ang suporta ng mga tao dahil nagbabayad sila.

Meron naman diyan na naturingang multimedia star, hindi naman naghi-hit ang pelikula.

Doon na rin sa mediacon ipinakita ang trailer ng bagong drama series niyang The Gift na magsisimula na sa September 16.

Maganda ang trailer at mukhang kakaiba ang kuwento. Kaya kahit may ilan na tayong napanood na The Gift din ang title, ibang-iba naman itong kay Alden.

Doon sa contract signing ay sinundot ko na rin ng tanong kung ilang folds ba ang increase sa talent fee niya at masasabing isa siya sa highest paid Kapuso actors.

“Hindi naman po madamot ang GMA,” nakangiti lang na sagot sa amin ni Alden.

Bukod sa The Gift, ay marami pang gagawin si Alden sa Kapuso network gaya ng isang collaboration project sa isang network sa ibang bansa.

Hindi pa lang nila maibigay ang buong detalye.

Pero ang isang sure na abangan daw next year ay ang malaking concert na gagawin ng Asia’s Multimedia Star.

Gagawa rin daw siya ng pelikula sa GMA Pictures, at mauuna raw muna iyun bago ang posibilidad na paggawa uli ng pelikula sa Star Cinema.

Napapag-usapan kasi ang part two ng Hello, Love, Goodbye na agree naman sila na dapat sundan ito.

Pero hindi pa masasabi kung kailan dahil kailangan na raw munang magpahinga ni direk Cathy Garcia-Molina. “Naging agreement po naming tatlo, ako, si direk Cathy at si Kath, kung magkakaroon man po ng part two, kailangan po kung sino man yung mga taong kasama namin nung part one, kami pa rin po lahat.

“Mas kabisado po ni direk Cathy kung ano ang dapat gawin sa susunod na part kung meron man po, kung payagan man po. Pero sa ngayon po andun po muna kami,” pahayag ni Alden.

Kagabi nga ay may blowout nga raw sila sa Star Cinema at doon na rin ibibigay sa kanila ang magandang announcement.

Nung nakausap namin si Alden ay wala pa siyang ideya kung ano iyun.

Pero patuloy na nagpapasalamat si Alden sa lahat na mga supporters, lalo na sa mga taong nagmahal at hindi bumitaw sa kanya.

“Masaya po ako na nandiyan po ang mga taong nandun po sa akin yung times na malungkot ako, ‘yung times na down ako, ‘yung times na halos ayoko na. Sila yung talagang nagpu-push na hindi meron at meron pa yan. Meron pang darating sa yo bigger than what you expect.”

Tuloy pa rin daw siya sa Eat Bulaga, at nagpapasalamat siya dahil solid pa rin ang suporta ng mga AlDub fans sa kanila ni Maine Mendoza.

“Dun po ako natutuwa kung gaano ka-mature at mag-take ang mga supporters namin sa ginagawa namin.

“Although, meron ding hindi payag, yung against sa paggawa namin ng proyekto namin na magkahiwalay. Naniwala naman po sila na kailangang gawin iyun ng magka-loveteam na magkaroon po ng growth, at iyun po ang nangyayari sa aming dalawa,” pakli Alden.

Nagpapasalamat din siya sa suporta ni Maine at napapag-usapan nga raw nila ito pagkatapos panoorin ni Maine ang Hello, Love, Goodbye ng dalawang beses.

“Sobra po siyang natuwa nung pinanood niya ang pelikula.

“Nai-share niya po sa akin yan nung nag-Eat Bulaga at nung pumunta siya sa storycon ng movie po nila ni Bossing for Metro Manila Film Festival.

“Tinanong niya ako paano magtrabaho, paano si direk Cathy, sabi ko ganito siya.

“Sobrang na-appreciate po ni Maine yung pelikula at nakakatuwa na with all honesty na sinabi niya sa akin yun and dalawang beses niya po pinanood,” saad ng bida ng The Gift.

It… ni Robin, ‘di umubra

Pelikula ni Kris sa MMFF, may kapalit na!

May napili na pala ang Selection Committee ng MMFF 2019 na ipapalit sa (K)Ampon na na-disqualify ng Executive Committee.

Ito yung sunod na isa ring horror film ng Ten17 and Globe Studio at ididirek ni Carlo Ledesma.

Bida rito sina Carmina Villaroel, JC Santos at Mylene Dizon.

Bago ang announcement na ito na inilabas ng Execom ng MMFF, narinig na namin itong project nga ni Carmina at ang pelikulang Block Z nina Joshua Garcia at Julia Barretto raw ang pinagpilian.

Pero may duda akong baka paboran ang horror movie ni Robin Padilla na It-It dahil close ito kay Sen. Bong Go. Pero wala nga naman daw ganung palakasan sa pagpili ng entries, dahil ang Selection Committee ang nasusunod.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with