Janno nag-ala Dolphy
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - September 4, 2019 - 12:00am

SEEN: Pre-birthday presentation ni Janno Gibbs ang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na magbubukas ngayon, September 4, sa mga sinehan. Ipagdiriwang ni Janno sa September 16 ang kanyang 50th birthday. Ang King of Comedy na si Dolphy ang maaalaala ng mga manonood ng Sanggano… dahil sa brand of come­dy na ipinakita ni Janno sa pelikula.

SCENE: Si Al Tantay ang direktor ng Sanggano.... Muling pinatunayan ni Al na may ibubuga siya bilang direktor ng comedy movies.

SEEN: Dinakip ang fake talent manager na si JR Kison dahil sa paratang na pang-aabuso sa menor de edad na lalake na pinangakuan niya na tutulu­ngan para maging artista. Sounds familiar ang pangalan ni Kison dahil siya ang nangulit noon kay Marco Gumabao na tanggapin ang kanyang alok na P2 million bilang talent fee para sa frontal nudity pictorial.

SCENE: Ipinakita sa premiere ng Sanggano… ang full trailer ng Jowable, ang launching movie ni Kim Molina. Malakas ang shock value ng trailer kaya nasorpresa ang audience sa mga dialogue ni Kim sa Jowable.

SEEN:  Sina Ronnie Lazaro at Christopher Roxas ang dalawa sa mga character actor na co-star ni Aga Muhlach sa adaptation ng Miracle in Cell No.7. Proud si Christopher dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho si Ronnie na isa sa mga hinahangaan niya.

JANNO GIBBS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with