Pinoy chef nakakuha ng P22 million investment sa UK
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — More than P22 million (350,000 pounds) ang nasungkit na investment ng Pinoy chef at misis niyang Irish sa season two ng reality show na Million Pound Menu na napapanood sa Net­flix. Naka-focus sa mga chef na kinakailangang kumbinsihin ang mga jury na mag-invest sa kanilang pangarap na restaurant sa Manchester.

Pero ang talagang nakakatawag ng pansin ay walang awareness ang mga British sa Pinoy food.

Yup, lahat ng mga tinanong at maging mga nagsilbing jury ay walang idea sa mga pagkaing Pinoy na once na i-try naman nila ay nasasarapan sila.

Ang litson kawali ang pinatikim ng mag-asawa sa mga jury at maging nang mag-dry run sila sa Manchester.

Apat ang miyembro ng jury ng nasabing prog­rama pero isa lang ang nag-invest sa mag-asawa. Pero imagine kung apat silang na-convince nilang mag-invest ‘di sana malaking boost ‘yun sa ating mga pagkain sa UK.

Kailangan pa talaga ng matinding kampanya para mas makilala pa ang mga pagkaing Pinoy natin sa abroad.

Kaya nga maganda ang bagong campaign ni DOT Sec. Berna Romulo-Puyat na i-push ang mga pagkaing Pilipino.

“Our country is known worldwide for its pristine beaches and picturesque landscapes, as well as the hospitality and warmth of our people. But do they know that we have the best roasted pig in the world? A dessert which combines multiple flavors in one? Or even the best fried chicken and the only one made with joy? We have a treasure trove of dishes, from Luzon, Visayas and Mindanao, that are welcome fusion of spices and flavors but uniquely Filipino.

“With this partnership between the Department of Tourism and Jollibee, we hope to entice more people worldwide to experience Filipino culture, but this time through the diverse and sumptuous dishes and the unique ways of enjoying them.

This is just the beginning of a nationwide campaign to promote Filipino cuisine from Luzon, Visayas and Mindanao,” ang simula ng kampanya ni Sec. Berna na featured ang mga kilalang chef, restaurater, at iba pa.

Gretchen rumampa sa China kasama si Pres. Digong

Bongga si Gretchen Barretto, kasama na naman siya sa biyahe ni Pres. Duterte sa China.

Hindi ito ang first time na nakasama ang inactive actress sa biyahe ng pa­ngulo sa ibang bansa.

Nakasama na rin siya sa Japan with her partner Tony Boy Cojuangco. “ China presidential trip with our dear president  secretary Sal Panelo Natalie Miranda & Eileen Ang Galang,” caption niya sa groufie photo nila.

Mas kilala na ngayong negos­yante ang inactive actress na nanahimik na sa issue sa pamangking si Julia.

Baron hindi tsutsugiin

Nasa script pa rin diumano ng Ang Probinsyano si Baron Geisler ayon sa insider ng ABS-CBN.

Hindi pa raw tsugi ang character nito at hindi pa raw niya alam (source) kung mawawala ito sa programa.

Nauna nang may nagkuwento na magbabakasyon nga sa programa si Baron dahil bibiyahe umano itong rehab dahil nga sa diumano’y pagbalik nito sa pag-inom.

Disappointed nga raw sa nangyari si Coco Martin na nagbigay sa kanya ng bagong break.

BERNA ROMULO PUYAT PINOY CHEF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with