Vic Sotto, Pauleen Luna
Pauleen dedma sa fake news na patay sa atake sa puso si Bossing
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - September 3, 2019 - 12:00am

Ipinagkibit-balikat na lang ni Pauleen Luna ang kumalat na kuwentong inatake raw sa puso si Vic Sotto.

May mga nagtawagang kaibigan sa showbiz kung totoo ba yung lumabas sa Facebook.

Hindi na rin kasi bago ‘yung pagkalat ng fake news kaya mabuti na ring i-confirm ito. Pero minsan, nakakahiya rin sa taong involved.

Sabi lang ni Pauleen nang tinext ko, deadma na lang daw sila dahil abala naman si Bossing Vic sa shooting ng Metro Manila  entry niyang Mission Unstapabol.

“Hayaan mo na sila kuya. At least hahaba pa buhay ni Vic,” text lang sa amin ni Pauleen.

Kapansin-pansin na ngang buma-bagets si Bossing Vic magmula nang mag-asawa sila ni Pauleen.

Lalo nang dumating si Baby Talitha sa buhay nila, ang gaan ng dating nilang pamilya.

Sabi ni Bossing Vic, tagasuporta lang daw sila ni Pauleen kay Baby Talitha na bidang-bida kapag kasama ito sa mga pinupuntahan nilang handaan.

May mga birthday party ang pamilya na talagang binibilin na isama si Talitha.

Lagi siyang pinangigigilan dahil sa napaka-cute na katabaan niya.

Mabuti nga at medyo pumayat na raw ngayon si Baby Tali, pero mabigat pa rin daw kaya hirap na rin si Bossing Vic sa pagkarga.

Iba na raw kasi ang pagkakulit niya na nakakatuwa naman.

Ang talino pa ng bagets na nakikita naman sa mga pinu-post ni Pauleen na alam na niya colors, at ang latest daw ngayon, kabisado na raw ng anak niya ang labindalawang buwan mula January hanggang December.

Ang dali raw turuan kaya, magdadalawang taon pa lang si Bay Tali ang dami dami na niyang alam.

Nora hindi na puwedeng magpuyat

Ngayong araw na ang last shooting day ng pelikulang Isa Pang Bahaghari na obra ni direk Joel Lamangan.

Gusto nga raw sana nilang mag-press visit pero, pawang mabibigat ang mga eksenang kukunan kaya baka sa cast party na lang daw na hindi naghahabol ng oras at hindi ngaragan.

Nagpapasalamat ang production staff dahil napaka-cooperative ng lahat na artista lalo na ang mga bidang sina Nora Aunor, Phillip Salvador at Michael de Mesa.

Mabuti at okay na raw ang pakiramdam ni Nora na nagpagaling muna nang husto sa hospital bago siya bumalik sa shooting.

Kailangan lang daw nilang sundin ang cut-off ng magaling na aktres dahil hindi na raw siya puwedeng magpuyat.

Ang nakakatuwa pa raw doon sa shooting, pati mga young star ay magagaling din at lagi nga raw silang pinupuri ng mga senior star.

Sanya hindi pinayagang mag-body stocking nang mag-gro

Isa sa pinupuri nang husto ni direk Joel ay si Sanya Lopez na wala raw kaarte-arte sa set.

May sexy scene siyang sumasayaw sa isang bar dahil GRO ang role niya rito, ang ganda raw nang kinalabasan na napaka-sexy niya sa eksenang iyun.

Naka-two piece lang daw ito pero naloka si direk Joel dahil naka-body stockings siya. Pero hindi pumayag si direk Joel, tinanggal naman daw ni Sanya ang body stockings nito.

Nagulat daw silang lahat nang sumayaw na si Sanya na napaka-sexy sa suot niya. Ang galing daw sumayaw at bigay na bigay daw ang pag-indayog ng katawan, kaya napapalakpak daw silang lahat pagkatapos ng eksena.

Iyun daw ang ikinatuwa nila kay Sanya dahil napaka-cooperative nito sa shooting at magaling pang umarte. Napakaganda raw sa screen, kaya bumagay sa kanya ang role.

Gil payag ipaputol ang buhok para magkatrabaho

Sa pag-aartista na talaga naka-focus si Gil Cuerva kahit nakilala siya sa modeling.

Willing nga siyang ipaputol ang mahaba niyang buhok kapag kailangan daw talaga sa role na gagampanan niya.

“It’s not a concern kasi open naman ako magpagupit. It’s a preference definitely to have long hair.

“Let’s say pag binigyan ako ng role as a soldier or like sa Descendants of the Sun. If I was give a role, I would cut my hair definitely. Walang military na long hair di ba?

“Habol ko lang talaga is work,” pahayag ng model/actor sa mediacon ng bagong programa niya sa GMA 7 na Beautiful Justice.

Isang PDEA agent ang role dito ni Gil, kaya okay lang daw na long hair siya. Pero kung kinakailangang ipaputol, gagawin naman daw niya.

Gusto rin daw niyang subukan ang scriptwriting at eventually, pati sa directing.

Kaya gusto nga raw niyang pumasok sa next batch ng Scriptwriting workshop ni Ricky Lee dahil alam niyang marami pa raw siyang dapat na matutunan. “Hopefully, sa next batch makasama ako. I really wanna do it, because I want to be able to construct my thoughts or the things that I think of orderly….at saka makagawa ako ng script. I wanna create a story.

“If I reach the point na alam ko na wow, I’m given the complete freedom to create a story. At the end of the day, I want to be a storyteller, the one who create a story. Whether it’s a short film, a movie or a teleserye,” saad ni Gil.

Close nga siya kina direk Joyce Bernal, pati kina Piolo Pascual, at willing naman daw silang umalalay sa kanya dahil meron silang Spring Films.

Malay natin, baka mabigyan siya ng break sa production outfit nina Piolo at direk Joyce.

Sa September 9 na magsisimula ang Beautiful Justice na todo rin sa pagpu-promote si Gil.

PAULEEN LUNA VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with