^

PSN Showbiz

Beauty aminadong sa anak din umiikot ang buhay ni Ellen

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Beauty aminadong sa anak din umiikot ang buhay ni Ellen
Ellen, Beauty

Masayang-masaya si Beauty Gonzalez dahil kahit abala sa trabaho ay naisisingit pa rin ang pagbabakasyon na kasama ang pamilya. Para sa aktres ay mahalaga sa isang artista na nakapagpapahinga paminsan-minsan.Kamakailan ay ang kaibigan na si Ellen Adarna at ang kanya-kanyang anak lamang ang nakasamang magbakasyon sa Thailand ni Beauty. 

“Parang kailangan naman talaga as an actor. Kailangan mo ng konting panahon para sa sarili mo. Kasi minsan nadadala ka sa character mo. Minsan feeling mo inaapi ka na rin sa totoong buhay. Lalo na if it’s everyday that you’re doing it,” nakangiting pahayag ni Beauty.

Ayon sa aktres ay talagang malaki ang ipinagbago nila ni Ellen mula nang magkaroon ng mga anak. “Pareho kaming dalawa, umikot talaga ng 360 ‘yung buhay namin. Siyempre iba na talaga kapag may anak ka. Hindi na puwedeng pa-happy-happy na lang,” giit niya.

Samantala, isa si Beauty sa mga nananabik sa napababalitang pagbabalik ni Ellen sa pag-aartista. Ikatutuwa raw ng aktres kung sakaling muling sasabak sa trabaho ang kaibigan. “I mean I’ve been waiting for it and sana bumalik siya. It’s up to her naman eh kung babalik siya o hindi. Pero I think she’s open lang for endorsements, gano’n. Hindi na siguro ‘yung acting-acting kasi she’s really full time mom right now,” paglalahad ng aktres.

Kamakailan ay napabalitang nagkahiwalay na diumano si Ellen at kasintahang si John Lloyd Cruz. Hindi raw alam ni Beauty kung ano man ang pinagdadaanan sa ngayon ng magkasintahan. “Hindi ko alam ang pinagdadaanan nila. Kasi no’ng nando’n kami sa Bangkok, wala akong yaya. So wala kaming time mag-chikahan kasi ako nag-aalaga sa anak ko. Hindi ko alam kung ano talaga ang sitwasyon nila eh,” pagtatapos ni Beauty.

Sylvia, sinisilipan noon ni Tsong Joey

Muntikan nang magkaroon ng es­pes­­yal na ugnayan sina Sylvia Sanchez at Joey Marquez noong mga kabataan pa nila. Ayon sa aktres ay naudlot lamang ito dahil nililigawan na ni Joey si Alma Moreno noon. “Siguro kung wala siyang Alma no’ng time na ‘yon. And no’ng time na ‘yon, pumapasok na rin si Art (Atayde, asawa ni Sylvia). Siguro kung wala talaga, naging kami,” kuwento ni Sylvia.

Maraming pelikula ang pinagsamahan nina Joey at Sylvia kaya talagang napalapit na rin sa isa’t isa simula pa man noon.

Aminado rin ang aktres na talagang natipuhan niya si Joey noong nagsisimula pa lamang mag-artista. “Ay! Oo naman. no’ng time na pagpasok ko, sila ‘yung sikat. Siya, si Richard (Gomez). Richard is guwapo, Tsong is guwapo pero ang lakas ng appeal niya. Iba ‘yung Joey Marquez. Pilyo, naninilip ‘yan, siyempre nakikita ko ‘yon. Napapa-stop siya (kapag sumisigaw ako ng ‘Alma’ kasi alam kong wala eh, lokohan lang eh,” natatawang pagbabahagi ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

BEAUTY GONZALEZ

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with