Claudine Barretto
Claudine may branch na ng ‘sari-sari store’ ni Gretchen!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - September 3, 2019 - 12:00am

May branch na ang Mama Nen’s Sari-Sari Store ni Gretchen Barretto sa bahay ni Claudine Barretto at galing din kay Gretchen ang food na naka-display sa sari-sari store ni Claudine.

“We made our own version of Mama Nen’s @gretchenbarretto Sari Sari Store from the plenty of food my Ate sent for the kids thank u for always feeding the kids. i luv u,” ayon sa post ni Claudine.

Sumagot si Gretchen ng “You are by far the sweetest baby sister. I love how organized your little corner is” na sinagot uli ni Claudine ng “I luv u.”

May nag-comment lang na kung talagang mahal niya si Claudine at ang mga pamangkin niya, healthy snacks ang ibigay niya. Puro nga naman junk food ang naka-display sa sari-sari store ni Claudine at pati na rin ang sari-sari store ni Gretchen, mas maganda nga naman kung sasamahan niya ng fruits ang ibibigay kina Claudine.

In fairness, may nagtanggol kina Gretchen at Claudine dahil karamihan sa atin, mahilig sa junk foods. Tama naman na hindi isahang kain lang ang junk food na ipinakita ni Claudine at siguro naman, umiinom ang mga bata ng maraming tubig after eating those junk foods.

Luis maaga ang gift kay Edu

Pinost ni Edu Manzano ang photo ni Luis Manzano habang hawak ang picture ng lola niya o mom ni Edu at sabi ni Edu, “If you wondering kung sino kamukha ni Luis, well here she is! My mom! Spitting image! #family #love #imissmymom.”

Binisita kasi nina Luis at Jessy Mendiola si Edu dahil niregaluhan ng portrait nilang mag-ama na ikinatuwa ni Edu. “My son just surprised me w/ an early birthday gift. Seeing that I enjoy art he commissioned a portrait of the two of us. This is one of the best gifts I’ve ever gotten in my lifetime! I love it! Thanks @luckymanzano @senorita_jessy.”

Kaya kasama si Jessy sa pinasalamatan ni Edu dahil kasama nga siya ni Luis na nagbigay ng portrait at si Jessy pa ang photographer.

Rocco pinag-interesan din ang Royal Enfield ni Kuya Kim

Nakakaaliw si Rocco Nacino, nakapagpa-picture rin siya sa hiniram ni Dingdong Dantes na Royal Enfield 500 motorcycle kay Kim Atienza para gamitin sa Descendants of the Sun. Hindi lang basta nagpa-picture si Rocco sa tabi ng vintage car, sinakyan pa niya ito.

Sabi ni Rocco, “Nung di na nakatingin si Big Boss, si Wolf muna ang mag-eenjoy sa motor nya hehe. Oi Alpha team, walang magsusumbong kay Captain ah!”

Nakakatuwa dahil kahit bago pa lang ang ta­ping, close na agad ang cast ng DOTS ng GMA-7.

Pero, totoo bang matagal-tagal pa ang airing ng DOTS?  Nag-a-advance lang sa taping dahil mahirap ang mga eksena, lalo na ang action scenes. Baka nga mauna pa raw ang airing ng soldier series ng ABS-CBN sa airing ng DOTS.

Speaking of Rocco, paalis siya kasama ang ibang Kapuso stars na sina Mike Tan, Mark Herras, Derrick Monasterio, Mikael Daez, Andre Paras at Kristoffer Martin para sa gaga­wing basketball tournament sa Dubai sa September 20. Si Janine Gutierrez ang muse ng Kapuso team sa exhibition game na mangyayari sa Shabab A  Ahli Sports Club.

Bea lamang sa training kina Yasmien at Gabbi

Sa porma pa lang ni Bea Binene sa pictorial para sa action drama series ng GMA 7 na Beautiful Justice, kitang lamang siya kina Yasmien Kurdi at Gabbi Garcia. Matagal na kasing nagti-training ng wushu si Bea, kaya alam nitong pumorma, kumilos at makipag-fight.

Pero kahit may alam na sa wushu, nag-training pa rin si Bea ng Krav Maga for self defense at ginagamit ng PDEA Agents, para naman makasabay siya sa mga kasama. Bagong kaalaman ito kay Bea at nag-enjoy siya.

Ginagampanan ni Bea ang role ni Kitkat sa action/drama series na magpi-premiere sa September 9, after Eat Bulaga sa direction ni Mark Reyes.

CLAUDINE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with