Bagong primetime offerings ng GMA, sisipa na
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 2, 2019 - 12:00am

CEBU, Philippines — Sisipa na ang bagong primetime offerings ng GMA 7. Mag-uumpisa ito sa Beautiful Justice beginning September 9. Pinagsama-sama sa newest drama-action series ang kanilang lima sa prime and most sought-after stars - Bea Binene, Gabbi Garcia, Yasmien Kurdi and Derrick Monasterio with Gil Cuerva na gaganap bilang miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Kuwento ito tungkol sa tatlong babae na magsasama-sama para mahanap ang sindikatong responsible at humingi ng katarungan sa kanilang mga naging kapalaran.

Simula naman sa September 16, balik-primetime ang Kapuso prime actor Alden Richards para ipakita ang kanyang acting calibre bilang si Sep—a visually-impaired fruit vendor in Divisoria who discovers his ability to see the past and the future. Nakatutok ang kuwento ng The Gift on hope, transformation, and inspiration. Helmed by LA Madridejos, starring din sa drama series sina Elizabeth Oropesa, Mikee Quintos, Jo Berry, Rochelle Pangilinan, Betong Sumaya, Martin del Rosario, Thia Thomalla, Ysabel Ortega, Tetay, and  Jean Garcia.

Pasok na rin sa primetime ang tambalan nina Ken Chan and Rita Daniela na One of the Baes, a millennial fairytale that will take viewers on a voyage of love. Produced by GMA Public Affairs, ipapakita rito ang ups and downs ng ating mga Filipino Seafarers sa kuwento nina Jowalyn (Rita) and Grant (Ken). Si Grant ay isang mayaman pero kindhearted environmental vlogger habang si Jowalyn ay isang matapang na young woman na nangarap maging captain of the ship isang araw.

Kukumpletuhin ang Kapuso primetime slate ng Korean hit drama na Mr. Sunshine na mag-uum­pisang mapanood sa September 2. Kuwento ito of a young boy who is born into slavery but escapes to the United States and returns to Joseon later as a United States Marine Corps officer starring Holly­wood actor Lee Byung Hun as Eugene Choi na mai-in love with an aristocrat’s daughter named Go Ae-sin, played by Kim Tae-ri.

Ngayon na ang umpisa ng Wagas bilang daily series airing before Eat Bulaga na dating napapanood sa GMA News TV. For its pilot episode, multi-talented actress Sunshine Dizon and actor Mike Tan reunite on the small screen for Throwback Pag-ibig na isang buwang mapapanood.

Pinaka-last ang The Clash every Saturday and Sunday beginning September 21 with Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose and Total Heartthrob Rayver Cruz bilang Clash Masters kasama ang returning judges na sina Lani Misalucha,  Christian Bautista and AiAi delas Alas. Habang sina Ken Chan and Rita Daniela ang The Clash Journey hosts. 

GMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with