Paolo Ballesteros
Die... ni Paolo nasa Netflix na rin
(Pilipino Star Ngayon) - September 2, 2019 - 12:00am

SEEN: Sa October 2 ang playdate ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love ng Regal Entertainment Inc. Sina Tony Labrusca, Jerome Ponce, Jane Oineza at Myrtle Sarrosa ang lead stars ng pelikula ng direktor na si Jason Paul Laxamana. 

Ang Henerasyong Sumuko... ang huling pelikula na ginawa ni Tony bago siya pumirma ng kontrata sa Viva Films. Ang In Between Goodbyes ang unang movie project ni Tony sa Viva at co-stars niya sina Marco Gumabao at Lovi Poe.

SCENE: Ang request ni Tony na makatrabaho niya sa pelikula si Bela Padilla. Nagkasama sina Tony at Bela sa Sino ang May Sala? sa ABS-CBN na nagwakas noong August 9, 2019.

SEEN: Daring at sexy si Kim Molina sa mga publicity photo niya para sa Jowable na launching movie sa Viva at mapapanood sa mga sinehan sa September 25. Ito ang unang full-length movie directorial job ni Darryl Yap, ang direktor ng Vincentiments.

SCENE: Nagsimula kahapon, September 1, ang streaming sa Netflix ng Die Beautiful, ang award-winning movie ng direktor na si Jun Lana at most successful gay movie ni Paolo Ballesteros.

SEEN: Si Regine Velasquez ang lead actress ng Yours Truly Shirley, isa sa mga entry sa Cinema One Originals, ang 10-day film festival simula sa November 7 to 10.

SCENE: Nararamdaman na ang pagbaba ng popularidad ng isang aktres dahil sa pakikipagrelasyon niya sa aktor na hindi pinapaboran ng kanyang mga taga-hanga.

SEEN: Masaya si Korina Sanchez at ang staff ng Rated K dahil sa mataas na rating ng kanilang programa sa bagong timeslot nito. Tama ang desisyon ng ABS-CBN na huwag itapat ang Rated K sa Kapuso Mo Jessica Soho.

PAOLO BALLESTEROS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with