^

PSN Showbiz

Sarah makakatapat si Angelina Jolie

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Sarah makakatapat si Angelina Jolie
Sarah Geronimo

Simple, pero lumitaw ang ganda ng poster ng Viva Films movie na Unforgettable sa malinis na lay-out ng poster na sina Sarah Geronimo at ang pet dog niya ang nasa picture. Maganda rin ang teaser ng movie na showing na sa October 23, na sabi, makakatapat ang Maleficent.

Kanya-kanyang hula ang fans ni Sarah sa role nito dahil may nag-comment na parang autism ang karakter ni Sarah dahil may eksenang ayaw niya ng ingay at tinatakpan ang mga mata ‘pag nakarinig ng busina ng mga sasakyan. Nagtakip din siya ng mga tenga nang magsigawan sina Regine Velasquez at customers sa isang carinderia kung saan, waitress si Regine.

Hindi pa alam kung ano ang role nina Cherie Gil at Anne Curtis na may cameo rin sa Unforgettable. Si Gina Pareño ang gumaganap na lola ni Sarah sa movie.

 Julie Anne pinag-iinteresan ng ex ni Catriona!

Pati kami naintriga na madalas, may comment si Clint Bondad sa posts ni Julie Anne San Jose sa Instagram (IG). Kahit emojis lang ng fire burning at one word na “doll” ang comment ni Clint tuwing may pino-post na new photo ang singer-actress, nakaka-intriga pa rin.

May mga kinikilig na nga sa followers ni Julie sa posibilidad na ligawan ni Clint si Julie at maging sila dahil bagay daw ang dalawa. Saka, deserve ni Julie na magka-love life uli after her break-up with Benjamin Alves.

Pero kami may nasisilip na intriga halimbawang maging couple sina Clint at Julie dahil ang ex-BF ni Julie na si Benjamin Alves ay boyfriend ngayon ni Chelsea Robato na natatandaan ng netizens, naging date ni Clint nang dumalo sa premiere night ng movie dati nina Tom Rodriguez at Inah de Belen. ‘Kaloka ‘di ba?

Samantala, in-announce na sa 24 Oras na sina Julie at Rayver Cruz ang Clash Masters o main hosts ng The Clash 2 at sina Ken Chan at Rita Daniela naman ang Journey Hosts na tututok sa contestants.

Bukod sa in-announce ang mga host ng The Clash sa 24 Oras Weekend, in-announce rin ng apat last Saturday sa Studio 7. Tatapusin lang ang Starstruck saka papalitan ng The Clash.

Erwan curious sa suot na underwear ni Nico

Ang comment ni Erwan Heussaff sa bayaw niyang si Nico Bolzico na “Please tell me you’re wearing underwear” sa picture nina Nico at Solenn Heussaff na oversized t-shirts ang suot ng mag-asawa at hindi kita kung may suot silang underwear.

Sagot ni Nico, “@erwan use ur imagination... Just kidding, i am wearing a new underwear called #Bolaless” na tinawanan ng netizens. Pero mas kwela ang sagot ni Solenn na “@erwan of course he is! The gold has to be held up and hidden.”

Mabuti naman at wala pang sumaway na mga online moralista sa suot nina Nico at Solenn at sa sagot ni Solenn. Nasanay na rin siguro ang dalawa pati si Erwan na ‘pag may post na hindi tama sa panlasa ng mga moralista, agad silang pinagsasabihan at ang iba pa nga’y in-unfollow sila.

Anyway, sa suot na t-shirt ni Solenn, hindi pa halata ang kanyang baby bump, pero buntis na siya at active pa rin at panay ang workout. Maghintay ka Solenn at ilang araw pa, may sasaway na sayo at sasabihan kang mali ang ginagawa mo.

Mike praning sa asawa!

Praning na kung praning, pero sobra ang pag-aalaga ni Mike Tan sa kanyang asawa, ito ang rason kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin niya pino-post ang litrato ng kanyang asawang si Kris. Kahit nga noong wedding nila, nakatalikod ang misis ni Mike sa pinost na photo ni Mike.

Ang katuwiran ni Mike, iniiwasan niyang ma-bash at masaktan si Kris, lalo na at hindi naman artista. Siya na lang daw ang ma-bash, ‘wag na ang asawa dahil sanay na siyang awayin ng bashers.

As for their baby daughter na maraming litrato sa Instangram (IG) ni Mike, so far, wala naman daw namba-bash sa bagets at sakaling may mam-bash, hindi pa nito mababasa at hindi maaapektuhan. Baka raw paglaki ni Tori, hindi na uso ang bashing, kaya okay lang kung panay ang post niya ng mga litrato nito.

Natanong kasi si Mike sa presscon ng morning series ng GMA-7 na Wagas na kung saan, ang pilot episode na Throwback Pag-ibig ay sila ni Sunshine Dizon ang mga bida, kung paano niya inaalagaan ang kanyang mag-ina? Ang sarili ang ibinigay na halimbawa.

This Monday na, bago mag-Eat...Bulaga  ang simula ng month-long airing ng Throwback Pag-ibig  na mula sa direction ni Adolf Alix, Jr. Kasama sa cast sina Regine Angeles, Leanne Bautista at Lovely Abella.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with