Arnell nagmukhang si Padre Damaso nang tanggalin ang wig
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - August 31, 2019 - 12:00am

First time na nagpakita si Arnell Ignacio ng totoong hitsura niyang hindi suot ang wig.

Pumayag siyang ipakita ito sa pelikulang Damaso na pinagbibidahan niya na dinirek ni Joven Tan. “Totoo yan, walang prosthetics,” pakli niya sa amin nang kinumpirma kong siya nga ba yung nasa litrato.

Gagampanan ni Arnell ang role ni Padre Damaso na hango sa Noli Me Tangere.

Ang kaibahan nito, musical ang kabuuan ng pelikula na kung saan talagang kinarir nang husto ni direk Joven ang mga kantang ginawa niya.

Kaibigan ni Arnell ang nagpo-produce ng pelikula, pero talagang siya ang gustong gumanap ni direk Joven dahil bukod sa nakakanta, nakakaarte pa dahil may experience naman siya sa musical play.

Bilib na bilib nga si direk Joven at ang buong production staff kay Arnell dahil ang galing daw niya sa mga mabibigat na eksena at nasasabayan pa niya ng kanta.

“Mahirap talaga, pero gustung-gusto kong gawin. Ang ganda kasi ng material,” bulalas ni Arnell.

Proud sina direk Joven sa project nilang ito, na balak nilang isali  sa Metro Manila Film Festival. Kaya pinapaspasan nila nang husto na matapos para makahabol sa deadline sa September 20.

Sana nga raw mapili ito dahil puwede raw ilaban si Arnell sa Best Actor kung mapasama ito sa magic 8 ng MMFF.

Kasama niya ritong kumanta rin ay sina Ejay Falcon, Lou Veloso at marami pang magagaling na stage actors.

May special participation si Aiko Melendez sa naturang pelikula, pero hindi raw siya kakanta rito.

Alfred ayaw patulan si Aiko

Ayaw nang patulan pa ni Cong. Alfred Vargas ang ipinost ni Aiko Melendez

sa kanyang Facebook account na pinuna nito ang pagkakamali sa unang inilabas na proposed bill kaugnay sa “no homework policy”.

Kaagad namang kinorek ito ng representative ng 5th district ng Quezon City, at inamin niyang pagkakamali niya ito. “Pinapanindigan ko naman yung pagkakamali ko, at tinanggap naman nila.

“It was an honest legislative mistake, which we already corrected two days ago,” pahayag ni Cong. Alfred sa panayam sa kanya sa CNN Philippines.

Nagkaroon lang daw talaga nang pagkakamali sa kanilang tanggapan at hinarap naman niya at naayos na.

Pero parang huli na itong punang ipinost ni Aiko dahil na-korek na nga. Gusto lang niya talagang iparating sa kongresista ng QC at kasamahan niya sa movie industry na sana ito na raw ang huling pagkakamali niya sa pagpasa ng batas.

Ayaw na lang ‘yun sagutin ni Cong. Alfred.

Ang mahalaga ay naiwasto at naipaliwanag niya kung ano ang gusto niyang mangyari sa mga kabataang mag-aaral.

Naniniwala si Cong. Alfred na marami pang puwedeng matutunan sa labas ng kanilang classrooms. Kaya gusto raw nilang ipasa itong “no homework policy” sa weekend lang. Hindi naman daw ito totally no homework talaga.

Iba na raw kasi ang mga bata ngayon, at mas mabuting mabigyan pa raw sila ng ibang pagkakataong mapag-aralan at matutunan ang iba pa nilang skills at talents sa mga libreng oras nila which is sa weekend man lang.

Iyung pagkakamali sa nagawang section, ay hindi naman maiwasan, at nagkaroon naman ng oras na ma-korek ito.

Andrea at Derek obvious na sa landian ang ‘relasyon’

Hindi pa namin nakakausap uli ang bida ng drama series na The Better Woman, kaya hindi pa nasagot ng dalawang bidang sina Derek Ramsay at Andrea Torres kung sila na ba talaga.

Bukod sa napagdudahan na ang pagsama ni Andrea kay Derek sa laban ng Frisbee sa Shanghai, may mga tsika pang ipinakilala na raw ni Derek si Andrea sa mga magulang niya.

Dagdag pang nakatakda na raw lumipat si Derek sa ipinatayo niyang bagong bahay, na ang tanong ng karamihan, kasama na kaya roon si Andrea?

Nakakaduda naman talagang may namamagitan na sa kanilang dalawa, dahil sa mga simpleng sagutan lang sa kanilang ipinu-post sa social media account ay parang may something talaga.

Ang sexy ni Derek sa ipinost niyang nakadapa sa kama na nakasilip ang matambok niyang behind. Nasa caption nito; “What are you thinking about Andrew? Mahal ka ni Jasmine #thebetterwoman”.

Sumagot naman si Andrea ng “Sobra-Jasmine”

Parang totoo ang sagutan nila sa post na iyun, kahit gamit nila ang karakter nila sa The Better Woman.

Habang tumatagal nga, nakikita mo sa mga eksena nilang kumportable na sila sa isa’t isa, at sinasabi naman ni Derek noon pa na hindi naman niya isinasara ang posibilidad na ma-develop siya kay Andrea, dahil tipong ganun naman daw talaga ang gusto niya sa isang babae.

PADRE DAMASO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with