_ngayon
^
Arci Muñoz kinumpirma ang pakikipag-split sa non-showbiz boyfie
Pinasinungalingan din niyang naimpluwensyahan ng magulang ang desisyong pakikipaghiwalay.
Instagram/Arci Muñoz

Arci Muñoz kinumpirma ang pakikipag-split sa non-showbiz boyfie

(Philstar.com) - August 30, 2019 - 7:00pm

MANILA, Philippines — Ilang buwan nang wala — 'yan ang sinabi ang aktres na si Arci Muñoz tungkol sa estado ng pakikipagrelasyon sa negosyanteng nobyo na si Anthony Ng.

Kanyang pagkukumpirma sa ulat ng ABS-CBN, walang cheating incident na nangyari.

"No, no. Nothing like that po," sabi niya sa press conference ng bagong Kapamilya serye na "Pamilya Ko" ngayong araw.

Una na niyang sinabi na dalawa sa mga naging kasintahan niya noon ang nanloko na sa kanya.

Pinasinungalingan din niyang naimpluwensyahan ng magulang ang desisyong pakikipaghiwalay.

"Wala po… Pero siyempre kasi nga, ‘pag magulang ka, gusto mo talaga ‘yung best best best. I understand my mom," kanyang pagpapatuloy.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Arci Munoz ???? (@ramonathornes) on

 

Si Anthony ay kilala ring dating naging boyfriend ng kapwa aktres na si Erich Gonzales.

Bagama't hindi niya masasabing magkaibigan pa ng ex, isiniwalat din niyang napagkasunduan nila ito.

Hindi rin niya matiyak sa publiko kung may pag-asa pa silang magkabalikan at sinabing maaaring "hindi lang tama ang panahon." — James Relativo

ARCI MUNOZ BREAKUP RELATIONSHIP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with