Dennis nagpa-interview
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - August 30, 2019 - 12:00am

SEEN: Binawi ni Carlos Agassi ang kanyang pahayag noong September 2011 na nagkaroon siya ng ‘gay experience’ noong kabataan niya. Tahasan na sinabi ni Carlos sa presscon ng Beautiful Justice na wala siyang karanasan sa third sex. Kahit walang regular TV show, komportable ang pamumuhay ni Carlos dahil may mga negosyo siya. Sa December 12 ang 40th birthday niya pero wala sa plano niya na magkaroon ng party.

SEEN: Ang superb acting ni Jaclyn Jose bilang nanay ni Andrea Torres sa The Better Woman ang isang dahilan para subaybayan ang drama series ng GMA 7.

SCENE: Ang pag-amin ni Dennis Padilla sa Tonight with Boy Abunda na hindi sinagot ni Gerald Anderson ang mga text message niya matapos na mag-usap sila noon sa cellphone. Hindi na nagparamdam si Gerald kay Dennis nang pabulaanan ng kanyang ex-girlfriend na si Bea Alonzo ang sinabi niya na hiwalay na sila. “Nililigawan niya si Julia” at “hiwalay na sila ni Bea” ang mga sinabi diumano ni Gerald kay De­nnis sa unang pag-uusap nila.

SCENE: Lider ng sindikato ang role ni Bing Loyzaga sa Beautiful Justice, ang upcoming primetime drama crime series ng GMA 7. “Dati tauhan lang, ngayon lider na” ang pabiro na sabi ni Bing.

SEEN: Caught in the act sa Pa­rañaque Integrated Terminal Exchange noong August 28 ng Optical Media Board ang mga bus ng Metro Manila Bus Co., at Saulog Transit na nagpapa­labas ng pirated copies ng Hello, Love, Goodbye. Kinumpiska ng OMB agents ang mga flash drive na naglalaman ng pirated copies ng pelikula ng Star Ci­nema. Anim na taon na pagkakakulong at multa na P1.5 million ang parusa sa mga operator ng bus company kapag napatunayan na lumabag sila sa batas.

DENNIS PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with