Gabbi pinabago ang buhok ni Khalil
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - August 29, 2019 - 12:00am

SEEN: Sa lead stars ng Beautiful Justice ng GMA-7, si Yasmien Kurdi ang may asawa at anak pero kinabog niya sa grand presscon ng kanilang primetime show ang mga co-star na sina Gabbi Garcia at Bea Binene dahil seksing-seksi siya sa kanyang black see-thru outfit.

SCENE: Sinabi ni Gabbi Garcia na nagmukhang mabango ang boyfriend niyang si Khalil Ramos nang magpagupit ito. Si Gabbi ang nangulit kay Khalil para baguhin nito ang hairstyle.

SEEN: Makakatapat ng Beautiful Justice ang longest running primetime program ng ABS-CBN, ang FPJ’s Ang Probinsyano. Special guest sa grand presscon ng serye si PDEA Spokesperson Derrick Carreon. May ex-deal ang PDEA at ang GMA-7 ang paliwanag ni Carreon tungkol sa pagdalo niya sa presscon dahil tungkol sa buhay ng PDEA agents ang Beautiful Justice.

SCENE: Isang PDEA agent ang role ni Gil Cuerva sa Beautiful... May PDEA agents na mahaba ang buhok pero may plano si Gil na magpagupit. “Sooner than you think” ang hint na ibinigay ni Gil. Bukod sa pagiging artista, pangarap ni Gil na maging screenplay writer.

SEEN: Pinagdududahan ang statement ni Julia Barretto na hindi nito boyfriend at hindi niya naging boyfriend si Gerald Anderson dahil isang malapit sa kanya ang nagsabi na may relasyon sila ng ex-boyfriend ni Bea Alonzo.

SCENE: Naging bisyo na ng isang former beauty queen-turned-actress ang pagpaparetoke ng mukha. May nagbago na naman sa mukha ng aktres na kapansin-pansin sa huling showbiz event na dinaluhan niya.

GABBI GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with