Anyare sa actress Claudine paranoid na raw, parang laging may sumusunod ang pakiramdam?!,
SHOW-MY - Salve Asis (Associated Press) - August 28, 2019 - 12:00am

Kaya pala ayaw… Bea lagi raw diretso sa kuwarto ni Gerald, hindi binabati ang mommy ng actor,

Nag-sorry naman daw Tom Rodriguez nambato raw ng eskuwelahan ng special children!  

Totoo kaya ‘yung kuwento kay Claudine Barretto? May times daw na natatakot ito at parang laging akala ay may taong nakasunod sa kanya.

Kuwento ng source ni Nay Cristy Fermin na pinag-usapan sa Take It...Per Minute! (Me Ganun) kahapon nina Nay Lolit Solis and Mr. Fu, lately diumano ay may ganun ang actress.

May time nga raw na nasa bahay ito nila Gretchen at sinasabi niyang may taong pumasok, pero sinabi raw ni Mr. Tony Boy Cojuangco na walang puwedeng makapasok sa kanilang bahay dahil nasa exclusive subdivision nga naman sila and of course very tight ang security.

Actually, ang dami pang kuwento sa actress.

Pero ang bottomline talaga, sobra raw ang pagiging paranoid ng actress ngayon.

Uy ano nga bang nangyayari kay Claudine kung totoo nga ang nasabing kuwento? Paano na lang ang mga anak niya?

Blind item sana ito, pero siyempre pinangalanan na ni Nay Lolit. Hahaha.

Ang supposedly kasing mga blind item ng no.1 digital talk show ay talagang binubuko ni Nay Lolit tulad din ng blind item ni Mr. Fu tungkol sa isang aktor na uminit ang ulo nang habang nagso-shooting diumano sila sa isang lugar na may katabing eskuwelahan ay ang ingay ng mga estudyante . Eh intense daw ang nasabing eksena so kailangang ma-internalize ang actor. Hindi raw tumigil ang mga bata kahit nagsasabi ang actor na tumamik sila dahil nga may nagta-trabaho sa kabilang pader. Sa inis daw ng aktor binato ang pader at gusto pa raw umakyat ng pader para patigilin. Kaso pinigilan daw ng production at sinabing sila na lang ang magsasabi. Hanggang lumapit ang official ng eskuwelahan at sinasabing mga special children ang mga estudyanteng ‘yun. Sobrang nag-sorry naman daw ang actor.

Naku hindi na kailangan ng clue dahil pinangalanan agad ni Nay Lolit ang boyfriend ni Carla Abellana na si Tom Rodriguez.

So kailangan nga ba ni Tom ng anger management?

Kaya naman talagang aliw na aliw ang mga nanonood na karamihan ay mga kababayan nating nagta-trabaho sa ibang bansa na nagtitiyagang naghihintay tuwing Martes, 12:00 to 1:00 p.m.

Pero siyempre true rin bang mas type ng mommy ni Gerald ang isang kababayan niya sa General Santos na maging girlfriend ng binata niyang anak? Blind item din sana ito ha.

Diumano, mas mayaman daw kasi itong taga-probinsiya nila kesa kina Bea Alonzo and Julia Barretto.

Anyway, ang dami pa nilang pinag-usapan sa TIPMMG dahil nga sa binuhay na issue ng Mommy Vangie ni Gerald na tumatanggap ngayon ng kung anu-anong nega comments dahil nga sa pag-ayaw nito kina Bea and Julia para sa anak.

Pero ang sabi kasi ng source ng TIPMMG, ‘di raw binabati ni Bea ang nanay ni Gerald pag pumupunta ito sa bahay ni Gerald. Lagi raw diretso sa kuwarto ng actor si Bea kaya imbyerna raw ang Mommy Vangie.

Grabe palala na talaga ang mga kuwento na nag-umpisa lang sa ghosting ng aktor.

Naalala rin ni Nay Cristy na may mga anak noon si Nora Aunor na hindi nakatapos sa isang exclusive school dahil hindi raw nakakabayad ng tuition fee. Puro raw kasi promissory note ang binibigay nito noon.

Siyempre, blind item sana pero pinangalanan ni Nay Lolit kaya talagang hagalpakan ang lahat pati ang mga nanonood.

Kung sabagay sabi nga ni Nay Lolit, sila kaya nilang panindigan ang blind items nila, hindi basta imbento lang tulad sa mga lumalabas sa mga social media na wala namang basis. Basta may ma-blind item lang.

Anyway, sa mga gustong maging member ng #TeamReplay ng Take It... Per Minute! (Me Ganun), i-like, share and follow lang ang Facebook Page ng Pilipino Star NGAYON.

CLAUDINE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with