Paolo tapos na ang problema sa gender
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Associated Press) - August 28, 2019 - 12:00am

Kung dati ay hindi pa maamin ni Paolo Ballesteros kung ano ang talagang kasarian niya, ngayon ay tahasan na niyang inaamin na siya ay isang ‘lady. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon niya ng 10 taong gulang na anak na babae na dati ay pabaka-bakasyon lamang dito sa bansa at nagkikita lamang sila tuwing dumadalaw ito dito pero ngayon ay nasa Baguio na silang mag-ina nakatira, dun na rin nag-aaral ang bata.

Natulungan naman marahil si Paolo ng ina ng bata na maipaintindi dito ang katotohanan. Maganda ang roles nilang dalawa at naging mabu­ting magkaibigan.

Wala namang problema si Paolo sa kanyang gender at wala itong gender labels. Kaya happy ito na maipagpatuloy ang kanyang karera. Patuloy ito sa kanyang pagiging co-host ng Eat Bulaga at tumatanggap ng roles kahit may kinalaman sa pagiging gay niya, at nananalo pa ng acting awards for his efforts. Ang gay role na nagbigay sa kanya ng Best Actor, kasama si Christian Bables ay muli niyang babalikan, this time sa The Panti Sisters para sa Pista ng Pelikulang Pilipino, with Christian again and Martin del Rosario. Kinikilala na rin ang husay ni Paolo sa make-up transformation. Nagagaya niya ng buong husay na maisalin sa kanyang mukha ang mga mukha nina Angelina Jolie, Julia Ro­berts, Beyonce, Gal Gadot at iba pa. Umabot na rin sa kaalaman ng buong mundo at sa personalidad na ginagaya niya ang talento niyang ito.

Problema ng bayan hindi matapos-tapos

Wala na namang pasok sa mga iskwela dahil sa pagpasok na naman ng isang bagong bagyo sa bansa. Mukhang nakakagiliwan na tayong dalawin ng masamang panahon na lalong nagpapahirap sa ating mga mamamayan.

Hindi pa tayo natatapos sa problema natin sa dengue na sinundan pa ng leptos­pirosis tapos inabot pa ng peste ang ating mga alagang baboy. Talagang mahihirapan tayong makaba­ngon. Sana naman ay malunasan nating lahat ito, magtulungan lamang tayo at ipagpatuloy ang ating pagdarasal. Hindi naman siguro tayo pababayaan ng Diyos.

Club Mwah naghahanap ng dancers

Heto ang isang magandang balita. Sa kakapusan ng trabaho na maaring magtawid-buhay sa marami sa atin, naghahanap ng mga dancer ang Club Mwah, isang kilalang entertainment venue sa lugar na yun ng Mandaluyong City na pinamamahalaan ni Pocholo Malillin.

Maganda-ganda ang kikitain ng mga mapipili at maaari silang makapag-perform hindi lamang dito kundi maging sa abroad. Pero, mahirap din ang requirements sa mga mag-a-apply dahil kailangang may alam sila sa jazz at ballet.

‘Yung ibang requirements ay mga normal na hinihingi sa mga naghahanap ng trabaho gaya ng edad nila na dapat 16 taon pataas, may good moral character, malaking tulong din ang pagkakaro’n  ng edu­kasyon.

 Sa mga interesado, tumawag sa (Globe)09064174582 at (Smart) 09499760715.

PAOLO BALLESTEROS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with