Alden hinahanap na sa Sunday…
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Associated Press) - August 28, 2019 - 12:00am

SEEN: Para kay Vice Ganda, ang Just A Stranger ang best film na pinagbidahan ni Anne Curtis. Kasama ni Anne si Vice nang dumalo ito sa block screening ng Just A Stranger. Nabigatan si Vice sa pinag-uusapan at unexpected ending ng pelikula.

SCENE: Dismayado pa rin ang mga motorista at residente ng Pasig City dahil hindi pa nalulutas ang matinding problema sa trapiko sa naturang siyudad. Minamadali nila si Pasig City Mayor Vico Sotto sa paglutas sa traffic jam na araw-araw na parusa sa kanila.

SEEN: Nag-mature ang hitsura ni Mikael Daez nang magpatubo ito ng bigote para sa role niya sa isang upcoming television series ng GMA-7. Sporting a moustache si Mikael nang maging co-host siya ng kanyang girlfriend na si Megan Young sa grand coronation ng Mr. World 2019 noong August 23.

SCENE: Simula sa September 1, mapapanood na sa Netflix ang mga pelikula ng Regal Entertainment Inc., ang So Connected, Haunted Mansion, Wild & Free, The Escort, Mama’s Girl, Die Beautiful, Love is Blind at My Fairy Tail Love Story.

SEEN: Nagtatanong na ang fans ni Alden Richards kung kailan uli siya mapapanood sa Sunday Pinasaya. Nami-miss na ng Sunday PinaSaya viewers si Alden dahil hindi na nag-report sa Sunday noontime variety show ng GMA-7 mula nang maging busy siya sa promo ng Hello, Love, Goodbye.

SCENE: Jared ang pangalan ng karakter ni Martin del Rosario sa The Gift, ang primetime television series na pagbibidahan ni Alden Richards.

SEEN: Nadulas ang dila ng isang aktor nang sabihin nito na girlfriend na ang kanyang anak ng isang controversial actor na taliwas sa sinabi nito na nanliligaw pa lamang siya.

SCENE: Magkakasama ngayon sa Amerika sina Pops Fernandez, Martin Nievera at ang kanilang mga anak na sina Robin at Ram. Sa August 31 ang concert ng former- couple-turned-friends sa Amerika, ang Two-Gether Again 2019, sa Center for the Arts, Escondido, California.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with