Ms. Gina Lopez
Ms. Gina never malilimutan dahil sa Bantay Bata 163
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 26, 2019 - 12:00am

Naihatid sa huling hantungan si Ms. Gina Lopez last Saturday.

Pero siguradong hindi siya malilimutan dahil sa mga naiwan niyang legacy kabilang ang Bantay Bata 163 na isa si Maynard sa mga libo-libong natulungan mula nang itatag ito noong 1997 ng yumaong si Ms. Gina, na siya ring nagtatag ng ABS-CBN Foundation. 

 “Sabi niya huwag kang sisigaw,”“Pinabayaan na kami ni mama” – ilan sa mga hinaing na naririnig ng Bantay Bata 163 mula sa mga kabataang dinadala sa kanila. Ngunit kapag nabigyan sila ng maayos na pag-aaruga at mailigtas sa kalye, may kinabukasan silang hinaharap.

Pitong taong gulang lamang noong kupkopin si Maynard ng Bantay Bata 163-naging scholar, nakapagtapos, at ngayon, nagtratrabaho na sa Bantay Bata 163 coin bank. 

 “Ginawa ko pong motivation yung nangyari po sa akin noon para maging success ako ngayon,” saad ni Maynard.

Ngayon, sa tulong ng iba’t ibang tao at kumpanya, mas lumawak pa ang Bantay Bata 163 at hindi na lang hotline. Tumutulong sila sa iba’t ibang paraan, dahil sa mga programa nito sa ilalim ng Bantay Proteksyon, Bantay Edukasyon, Bantay Kalusugan, at Bantay Pamilya.  

Nagbibigay rin sila ng legal services at tulugan sa mga nailigtas para maghilom ang naging malalim na mga sugat dulot ng kanilang masasamang karanasan sa buhay. 

 Nagbibigay rin ito ng training at seminar para maiwasan ang child abuse, itaguyod ang karapatan ng mga bata, at ikalat ang kaalaman sa batas, at iba pang paraan para maprotektahan ang mga bata.

 Sa katunayan, nanguna na ang Bantay Bata 163 sa pagbibigay gabay sa mga paaralan sa paggamit ng positibong pagdidisiplina imbes na pisikal na pagdidisiplina.  

Kaya paano nga naman agad malilimutan si Ms. Gina na pati ang mga programang pambata na all Pinoy ang content ay idea niya.

Too late, pero sinayang siya ng DENR.

GINA LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with