Bea Alonzo
Julia ‘di rin type, Nanay ni Gerald umaming ayaw talaga si Bea!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - August 26, 2019 - 12:00am

Kataka-taka bakit biglang nawala na sa YouTube ang exclusive interview ng TV Patrol South Central Mindanao sa ina ni Gerald Anderson na si Evangeline Opsima na mas kilalang si Mommy Vangie.

Lumabas kasi ito sa TV Patrol sa Mindanao, at pinik-ap din ng TV Patrol dito sa Maynila.

Medyo emotional si Mommy Vangie sa interview na iyun dahil hindi naman daw puwedeng ganunin na lang anak niya.

Kaya matindi ang mga binitiwan niyang pahayag laban kay Bea Alonzo.

Sabi niya; “Hindi ka niya binastos kailanman.

“Kahit hindi niya…alam mo, nag-a-argue kami ni Gerald laban sa ‘yo dahil ayaw nga kita para sa kanya.

“Ngayon, ito na lang gawain mo sa kanya. Binabasura mo ang bata.

“Lagi mong pinapatamaan ang anak ko. Ano na ba kasama si Gerald?”

Ang isa pa sa ikinasama nang loob ni Mommy Vangie ay pati raw ibang taong malapit sa Kapamilya actress ay sumasali pa.

“Isa pa na hindi ko nagustuhan? Pati make-up artist mo, magbitaw ng salita laban sa anak ko.

“Hindi naman puwede akong manahimik sa mga lumalabas na isyu, lalo na si Bea na humaharap talaga sa TV,” saad ni Mommy Vangie.

Pati kay Julia Barretto ay may mensahe ang ina ni Ge­rald na hindi naman daw niya sinasabing ayaw niya ito para sa anak niya pero masyado pa raw itong bata at sa industriyang ginagalawan nila, hindi naman daw ito magtatagal.

Kamakailan lang ay umuwi ng Gensan si Gerald at nagsalita pa nga siya sa harap ng mga Scout Rangers doon.

Maaring napag-usapan na nila itong mag-ina, at doon inihinga ng Kapamilya actor ang lahat na pinagdaanan niya.

Kaya hindi na napigilan ni Mommy Vangie na magsalita.

Samantala, nasa All Star Games si Gerald kahapon para maglaro ng Basketball laban sa team ng It’s Showtime.

As of presstime, wala pa kaming nasagap na kaganapan doon, dahil hindi pa sila nagsimulang maglaro.

Matindi lang daw ang paghihigpit doon ng security, dahil iniwas lang nilang magkaroon ng gulo lalo na kung nagkakainitan na sa laro.

Si Bea naman ay nasa scripwriting workshop pa ni Ricky Lee kahapon at isang kaibigan ang nandun.

Parang hindi pa raw nakarating sa kanya itong mga sinabi ng Mommy ni Gerald. Kaya hinihintay pa kung sasagutin ba ito ng aktres.

Pero naiintindihan naman natin kung hindi na niya ito sasagutin.

Magmula nang lumabas ang interbyung ito sa Mommy ni Gerald, ang dami nang nagtanggol kay Bea at inokray nila nang bonggang-bongga si Mommy Vangie.

Sue humihirit ng R13 sa pelikulang tungkol sa mga pokpok

Umaasa ang direktor ng pelikulang Cuddle Weather na si direk Rod Marmol na mabigyan ng MTRCB ng R13 man lang.

Kuwento ng dalawang pokpok na nagkainlaban ang ku­wento nitong Cuddle Weather na ginagampanan nina Sue Ramirez at RK Bagatsing.

Sabi ni direk Rod, wala naman daw silang mga daring scenes na hubaran at matinding love scenes. Pero gamit nila ang lengwahe ng mga pokpok na walang preno at may kahalayan.

Deretsong sinasabi ang mga salitang maaring bastos na sa iba. Pero ganun daw talaga sila magsalita kaya kailangang gawin iyun nina Sue at RK para kapani-paniwala.

Napapag-usapan lang kasi sa mediacon nung nakaraang linggo na kapag English ang mahalay na salita, nakakalusot. Pero kapag Tagalog hindi. Pareho lang naman ang ibig sabihin nun. Sana i-consider naman daw ito para maging makatotohanan ang mga eksena.

“Sana maparamdam natin sa pelikulang ito na it’s not about the words. It’s about how you love,” pakli ni direk Rod Marmol.

Dagdag na pahayag ni Sue; “Words are only words, at ikaw na ang bahala kung papano bibigyan ng meaning yung mga salita na naririnig.

“Eye opener ang film na to na dapat mas tanggapin na natin. Masanay na tayo na…huwag na tayong pabebe.

“Ano nga ano? Bakit madaling sabihin ang ‘penis’, pero mahirap sabihin ang ‘titi’. Di ba? Pareho lang naman ang ibig sabihin.

“Siguro yun nga! Eye opener ang film na to na mas tanggapin natin ang mga salita na sinasabi at huwag nating i-take offense.”

Sa September 13 na ang showing ng Cuddle Weather na isa sa mapapanood sa sampung pelikulang kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Samantala, tanggap naman ni Mother Lily Monteverde na hindi gaanong kumita ang Mina-Anud, pero okay naman daw.

Hindi na lang daw niya iniisip kung mag-flop man ang pelikula niya. Basta tuluy-tuloy pa rin daw sa paggawa ng pelikula ang Regal para tuluy-tuloy daw ang trabaho ng mga tao.

“It’s okay if we will not make money. Basta I want to do more movies, for the industry,” seryosong pahayag ni Mother Lily.

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with