^

PSN Showbiz

Marian expert na sa pagiging ina

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian expert na sa pagiging ina
Marian Rivera

Isyu na naman ang pagbibigay ni Marian Rivera ng solid food sa kanyang anak na si Ziggy.

Parang mas marunong pa ang ibang tao kesa kay Marian na tunay na ina. Hindi dapat makalimutan ng mga intrigera na hindi first time mother si Marian dahil may 4-year-old daughter na siya, si Zia na lumalaki na maganda, matalino at malusog.

Kumbaga alam na ni Marian ang formula ng pag-aalaga at pagpapalaki sa kanyang mga anak kaya sure na magiging malusog at matalino rin ang poging-pogi na si Ziggy.

Walang sinusunod na batas ang pagiging ina, kanya-kanyang formula ‘yan, kanya-kanya na paraan kung ano ang feel nila para sa ikabubuti ng  kanilang mga anak.

Huwag natin pangunahan ang gusto ng mother para sa kanyang anak. Mother knows best, at the rate Marian is raising her kids, I think she is doing it well. Kudos Marian, perfect mothering.

‘Produkto ng StarStruck parang mga anak ko na’

May soft spot sa akin ang StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA 7.

Excited na excited ako noon sa unang season ng StarStruck dahil  nakita ko how these kids were trying to reach their dreams.

Ang cute-cute ng aspiring actors and actress na matiyaga ang naghihintay sa kanilang kapalaran, ang innocence nina Mark Herras, Yasmien Kurdi, Jennylyn Mercado at ng StarStruck Avengers.

Nasubaybayan ko ang kanilang growth bilang performers, ang  pagbuo nila sa mga pangarap, ang pagkakaroon ng mga investment, nakabili ng bahay, sasakyan at mga gamit na kailangan nila.

Para akong isang magulang na nakikita ang paglaki ng aking mga anak. Amazing kaya wait na naman ako sa bagong batch, ang Season 7 ng Starstruck. More dreamers, achievers, StarStruck.

Bahay ni Heart guwardyado at mataas ang bakod

Ang ganda at ang laki ng bahay ni Heart Evangelista sa New Manila, Quezon City, ang lugar at tahanan ng mga old rich.

Hindi mahirap hanapin ang bahay nina Heart at Sorsogon Governor Chiz Escudero dahil ito lang ang bagung-bago sa kalye ng New Manila. Mataas lang ang bakod at may security guard ang bahay kaya hindi ito basta mapapasok.

Aktres iniilagan dahil sa kakaibang ugali

May tamang hinala ang isang aktres na madalas na nawawala sa sarili.

Lahat ng mga tao na close sa kanyang kapatid na aktres, pinagbibintangan niya na oportunista pero ang totoo, siya ang insecure at possessive.

Gusto ng aktres na mapaghinala na siya lang ang makikinabang at papansinin ng miyembro ng kanilang pamilya.

Praning na praning na ang aktres na posibleng epekto ng illegal drugs na ginagamit niya. Hindi na normal ang behavior ng aktres na pinagdududahan ang lahat ng mga tao sa kanyang paligid.

Ang pagiging praning ng aktres ang dahilan kaya nilalayuan na siya ng kanyang mga kaibigan. Kung hindi magbabago ang aktres, lalong magiging miserable ang buhay niya dahil sa kanyang praning feeling na lahat ng mga tao, sinisiraan siya.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with