Vice Ganda
Vice iniyakan sina Marco at Anne
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - August 26, 2019 - 12:00am

Sinusuportahan ng husto ni Vice Ganda ang Just a Stranger ng BFF niya at co-host sa It’s Showtime na si Anne Curtis. Nagpa-block screening ito ng tumitipak ngayong pelikula na nagtatampok din kay Marco Gumabao para sa It’s Showtime family. Hindi naman siya nagkamali sa pagsuporta sa pelikula sa ngalan ng pagkakaibigan dahil nakita niya kung bakit ito pinapanood.

Bukod sa mga ipinamamaraling mga maiinit at itinuturing ng marami na kontrobersyal na mga eksena nina Anne at Marco ay may magandang kuwento ang movie na magandang naipahatid ng direktor na si Jason Paul Laxamana.

Katunayan sa ganda ng movie at sa mensahe na hatid  nito ay hindi napigilan ni Vice Ganda na maluha sa kanyang panonood ng film. Bukod sa maganda niyang napanood ay nakita nito ang kahusayang umarte ng mga bida sa pelikula, lalo na ng kanyang BFF na masayang malaman na mahigit ng P300M ang kinita ng movie matapos ang tatlong araw na pagpapalabas nito.

Vhong ratsada rin ang career

Isa pang host ng It’s Showtime na inaabot ng swerte ngayon ay si Vhong Navarro. Kapansin-pansin na nagkakasunud-sunod ang dating ng swerte sa mga naghu-host ng noontime show ng ABS-CBN. Bukod sa napagkakatiwalaang host ng IS si Vhong ay naasahan na itong mag-take over sa madalas na absence either nina Vice Ganda at Anne Curtis. Babalik na naman ng big screen ang dating  myembro ng Streetboys sa pamamagitan ng pagsasapelikula na naman ng Mang Kepweng. Obviously, nagmarka sa takilya ang pelikula dahil kung hindi ay bakit ito gagawan ng sequel at gagastusang muli ng prodyuser? Bukod kina Vice, Anne at Vhong, ratsada rin sa kanilang pagbabanda sina Teddy Corpuz ng Rocksteddy at Jugs Jugueta ng Itchyworms. Napapanood na rin sila sa mga TVC. Ganundin ang Hashtags at GT (Girltrends).

PVLCC malaking tulong

Para na ring nagsimula na ang season ng UAAP sa PVL Collegiate Conference na kung saan ay napapanood ang laban sa volleyball ng mga koponang iskwela na myembro ng UAAP. Naniniwala rin ang maraming fans ng volleyball na hindi ito makaakapekto sa malapit nang magsimulang season ng UAAP dahil women’s volleyball lamang ang pinaglalaruan  sa PVL Collegiate Conference, yung mga ibang games ay nananatili sa UAAP. Mala­king tulong din ang PVLCC para mas mahasa pa ang mga babaeng manlalaro ng volleyball sa mga iskwelahan.

AiAi kailangan ng maraming dasal

Talagang pinangangatawanan ni AiAi delas Alas ang pagkakaro’n ng anak sa kanyang panga­lawang pag-aasawa. Bukod sa paglalagay sa kaayusan ng kanyang health at pagiging physically fit ay wala namang problema ang komedyana, napaghandaan na rin niya ang malaking gastusin ng kanyang balak na pag-aanak muli.

Maraming dasal na lamang ang kailangan niya para mapagtagumpayan ang kanyang bagong “assignment”.

Career ni Morissette apektado sa katatalak ng ama

Isa na namang nakapanghihinayang at nakakalungkot na pangyayari ang away ng mag-amang Morissette at Amay Amon. Sa sipag na ginagawa ng kanyang ama laban sa kanya sa social media, naapektuhan na ang magaling na singer na sa gulang na 23 ay hindi pa hinahayaan ng kanyang ama na magdesisyon para sa kanyang sarili, lalo na sa pagpili ng kanyang mamahalin. Sino man at may katwiran sa kaganapan sa mag-ama, kailangan nilang mag-ayos ng problema nila bago pa mahuli at masayang ang karera ni Morissette.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with