KathDen
Alden todo pasasalamat sa diyos
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

Pawang pasasalamat ang mga pahayag ni Alden Richards sa sunud-sunod na suwerteng dumarating sa kanya.

Hanggang sa ngayon ay malakas pa rin ang Hello, Love, Goodbye na umabot na ng P838.5-M ang worldwide gross nito as of Friday, August 23.

So far, ito ang pangalawang Pinoy film na lumagpas ng 800M ang worldwide gross.

Nangunguna pa rin ang The Hows of Us ng KathNiel na nakapagtala ng 915M worldwide gross.

Kaya sinasabi nga ng iba na puwede pang lagpasan ng HLG ang THOU.

Pero sa totoo lang, kahit pumangalawa pa ito sa KathNiel movie, winner pa rin ang KathDen movie at mas lalong wagi si Kathryn Bernardo dahil siya ang bida sa dalawang pelikulang ito.

Kaya nga sabi namin, wala naman sigurong kokontra kung si Kathryn na nga ang tatawaging bagong Superstar.

Tuwang-tuwa naman ang fans ni Alden nang sinabi naming siya na ngayon ang kasalukuyang Box-office King.

Sabi niya sa kanyang IG post; “LORD, iba KA. I learned so much from this experience, and I’m always looking up to YOU in gratitude. To everyone who has been part of our #HelloLoveGoodbye journey, maraming salamat at mahal na mahal ko kayo. #HelloThankYouWorld #HelloThank You800M”

Nag-comment nga ang ilang Kapuso stars sa post na iyun ni Alden, gaya nina Dingdong Dantes at Rocco Nacino na nag-congratulate sa kanya.

Transwoman na si Gretchen Diez kinaiinisan na

Nega na ang dating ng transwoman na si Gretchen Diez  at kinaiinisan na rin ng ilang kapwa miyembro ng LGBTQIA+.

Mukhang ini-enjoy nitong Diez ang 15-minute fame na tinatamasa niya ngayon lalo na’t naungkat na naman ang isyu ng SOGIE bill.

Sabi pa ni Diez sa interview sa kanya sa programa ni Pinky Webb sa CNN, siya raw ang mukha at boses ng LGBTQIA+.

Pero hindi ito type ni Arnelli Ignacio nang napag-usapan namin   sa radio program namin sa DZRH.

Sabi nga niya, mukhang ini-enjoy lang ito ngayon ni Diez ang kasikatan niya pero makakalimutan din naman daw iyan pag may bagong isyu na nag-viral at napag-uusapan.

“Ang kasikatan ng tao ay yung oras lang mismo nung ikaw ay pinag-uusapan. Wala kang ka-value value diyan. Pag may sumunod na eksena, tapos ka na. Nega na siya eh,” pakli ng TV host na abala sa bago niyang programa sa IBC 13 na Arnelli in the Haus.

Sabi pa niya; “Ang LGBT, naging ultra-sensitive na eh. Sinasabi ko sa inyo, I’m warning you, mawawala yung inyong galing sa diskarte, sa pakikisama, sa pagiging gustuhin ng karamihan.

“Kung magiging ganyan tayo na kada isang kalmot sa atin…ano tayo ngawa nang ngawa. Alam mo, hindi naman tayo inaapi rito eh. Ang hinihingi na natin ay hindi para sa atin.

“I really do not agree with all these. I do not agree. Kasi…yung ang gusto lang natin yung pananaw lang natin.

“I mean for us to be accepted nang mahusay sa isang society, kailangan marunong din tayong tumanggap na ang mga kasama mo rito ay hindi mo rin kapareho, at magkakasundo kayo whether sila ay hindi mo kapareho o pareho. Di ba madalas nga ang mga bading ang nanlalait eh.”

Naging isyu ngayon itong sinususog na SOGIE bill, pero sabi ni Arnelli basahin munang mabuti kung ano ang nakapaloob dito bago magbigay ng opinyon.

Mark nagtuturo kung paano maging naughty

Itinodo ng pitong alumni ng Starstruck na sina Mark Herras, Yasmien Kurdi, Katrina Halili, LJ Reyes, Chariz Solomon, Kris Bernal at Miguel Tanfelix ang pag-aalaga sa pitong finalists.

Sila ang tumatayong mentor sa mga natirang survivor hanggang sa finals nito. May prem­yo rin kasi sila kapag nanalo ang alaga nila.

Si Mark ang first ultimate male survivor at mukhang siya rin ang suwerte sa alaga niyang si Kim de Leon.

Consistent na mataas ang score ni Kim at sabi nga ng mga council, puwede na talaga siyang isabak sa showbiz at makatrabaho ng mga Kapuso stars. Sabi ni Cherie Gil sa kanya; “Can’t wait to welcome you to the industry, Can’t wait to work with you.”

Kaya pinayuhan din siya ni Cherie na magpaka-naughty din minsan. Ma­buting magpaturo raw ito kay Mark kung paano maging naughty.

KATHDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with