^

PSN Showbiz

Karla tinantanan na ang pakikialam sa buhay ni Daniel

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Karla tinantanan na ang pakikialam sa buhay ni Daniel
Karla

Hindi na masyadong pinakikialaman ni Karla Estrada si Daniel Padilla pagda­ting sa personal na buhay ng aktor. Ayon sa Magandang Buhay host ay ipinaubaya na niya sa panganay na anak ang pagdedesisyon para sa sarili.

“Sa pagplano ng future niya, kanya ‘yon. Kasi kahit ano naman ang sabihin ko, kung ano ang gusto niya, ‘yon ang masusunod,” makahulugang pahayag ni Karla.

Kahit nakapagdedesisyon na si Daniel para sa sarili ay hindi pa rin naman maiwasan ni Karla ang makialam bilang suporta ng isang nagmamalasakit na ina.

“Ako talagang nandito lang para gumabay lang. Comment lang nang kaunti, bibigyan mo lang ng ideas. But at the end of the day, it’s his decision actually. Dapat masunod sa kanya,” giit ng aktres.

Sinimulan daw ni Karla na pabayaan si Daniel noong nag-18 taong gulang na ang aktor. Para sa TV host ay ito lamang ang tanging paraan upang matuto si Daniel sa buhay. “Hindi na ako masyadong nakikialam simula nang nag-eighteen siya, pinababayaan ko siya. ‘Pag may gusto siyang sabihin, ‘Okay anak, okay ba ‘yan sa ‘yo?’ Or, ‘Masaya ka ba diyan?’ Gano’n na lang, dapat ma-exercise na niya ‘yon. Hindi naman habang-buhay nandito ako. Maganda naman na at their young age, hinahayaan na natin silang mag-decide. Kasi ‘yung independence, very important and ‘yung pagiging responsible, higit sa lahat,” paliwanag ni Karla.

Zephanie may libreng pa-concert sa mga kababayan

Kamakailan ay bumisita ang kauna-unahang Idol Philippines grand winner na si Ze­phanie Dimaranan sa Biñan, Laguna. Isang mainit at engrandeng homeco­ming ceremony ang sumalubong sa singer.

Masayang-masaya si Zephanie dahil ginawaran din siya bilang ‘Kabataang may kagalingan sa sining at kultura’ sa kanilang bayan.

“‘Yung kilalanin ka ng sarili mong hometown, siyempre po sobrang saya. Kasi ever since po sobrang supportive na sila sa akin and ngayon po binigyan po nila ako ng parangal,” nakangi­ting bungad ni Zephanie.

Ayon sa dalaga ay malaki na ang ipinagbago ng kanyang buhay mula nang manalo sa Search for the Idol Philippines noong isang buwan. Kabi-kabilang mga proyekto na ang nakatakdang gawin ni Zephanie at isa na rito ang isang album. “Siyempre nagkaroon ng busy na schedule. Mas maraming nakakilala, ‘yung mga dating hindi mo kakilala mas nakikilala mo sila ngayon,”  paglalahad ng singer.

Mamayang gabi ay magkakaroon ng libreng concert si Zephanie na gaganapin sa Biñan Multi-Purpose Hall Plaza. Paraan daw ito ng singer bilang pasasalamat sa mga kababayan na patuloy na sumusuporta sa kanya. Bukas naman ay pormal nang makakabilang si Zephanie sa ASAP Natin ‘To.(Reports from JCC)

vuukle comment

KARLA T

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with