^

PSN Showbiz

TV host natameme nang kabugin ang pinaghandaang OOTD

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Throwback ang kuwentong ito ng aming mapagkakatiwalaang source tungkol sa dalawang sikat na babaeng personalidad. Magkakontra na sila nu’n pa man pero hindi naman lantaran ang kanilang disgusto sa isa’t isa.

?Lihim ang kanilang kumpetisyon. Pero talagang meron. At dahil pareho silang may kapasidad na magpabongga ay ginagawa nila ang ganu’n sa maraming paraan at pagkakataon.

?Pag-alala ng aming source, “Guest nu’n ni Female Personality A si Female Personality B sa show niya. Natural, buhay na buhay ang paligid, dalawang sikat na babaeng personalidad nga naman ang maghaharap sa programa.

?“Siguradong maganda ang kalalabasan ng interview dahil pareho silang matalino. Inglisan sigurado sila nang Inglisan, kasi nga, pareho silang sosyal!

?“Pero hindi ‘yun ang concern ni Female Personality A, pinababantayan niya sa mga alalay niya ang pagdating ng guest niya. Kailangang mai-report sa kanya ng mga dyulalay niya kung ano ang suot ng guest niya.

?“So, binantayan naman ng mga alipores niya ang pagdating ni Female Personality B, puro branded ang OOTD niya, mga bonggang branded na dress, shoes at mga alahas na rin!

?“So, nu’ng i-report na sa kanya kung ano ang suot ng guest niya, pumili naman si Female Personality A ng mas bonggang tatak ng dress at shoes niya para kabugin niya ang girl!

?“Heto na, okey na siya, pumasok na siya sa studio na bonggang-bongga ang kanyang OOTD. Pinaghandaan niya talaga ang kanyang panauhin! Asang-asa siya na kakabugin niya ang guest niya dahil alam niya ang presyo ng mga suot ng girl.

?“Mas bonggacious ang brand na suot niya, hindi siya puwedeng kabugin ni Female Personality B, sa totoo lang!” mahabang kuwento ng aming impormante.

?Ipinakilala na ni Female Personality A ang kanyang guest, pumasok na ito sa studio at diretso na sa kanyang upuan sa tabi ng mag-iinterbyu sa kanya, naloka si Female Personality A dahil nagbihis ang kanyang guest! Mas bonggang-bonggang branded na dress at shoes ang suot niya!

?“Kitang-kita sa mga mata ni Female Personality A ang pagkadismaya dahil mas mahal ang mga suot ng kinukumpetensiya niyang guest! Wala namang kasalanan ang mga alalay niya, malay ba naman nilang magbibihis pa pala si Female Personality B bago pumasok sa studio!

?“Natatawa lang si Female Personality B, naisahan niya kasi ang babaeng pinaghahandaan talaga ang pagdating niya! Kaya mula pa nu’n, e, talagang magkakontra na ang dalawang ‘yun!

?“Hanggang ngayon, e, magkakontra pa rin sila! Kahit aso o pusa pa ang kalaban ni Female Personality A, e, sa kalaban niya si Female Personality B! Ganu’n na ganu’n!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

?Ubos!

Julia gisado na naman

Iniihaw na naman nang tustado ngayon sa social media si Julia Barretto. Sa isang panahon na ang akala ng mas nakararami ay nagiging malagihay na ang kontrobersiya sa pagitan nila ni Bea Alonzo nang dahil kay Gerald Anderson ay hindi pa pala.

?Nagsalita pa rin ang young actress sa isang interview na ang kanyang pahayag, “No, hindi ko siya naging boyfriend at hindi ko siya boyfriend ngayon. Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend.”

?“Wala akong inahas at wala akong nilandi!” tahasang deklarasyon ni Julia sa kanila ni Gerald Anderson.

?Idinagdag din ni Julia na hindi siya nililigawan ng aktor at hindi ito ang naging dahilan ng kanilang break-up ni Joshua Garcia. Wala raw third party sa kanilang hiwalayan ng magaling na young actor.

?Pero maayos ang pagsasarado niya sa interview, humihingi siya ng pagrespeto dahil hindi raw madali ang pinagdadaanan nila nina Bea at Gerald, sana raw ay igalang naman ang kanilang pinagdadaanan dahil hindi ‘yun simpleng problema-karanasan lang.

?Diretso niyang sinagot ang tanong tungkol sa kanila ni Gerald, pero sa bandang uli ay nandu’n ang kunsiderasyon, ramdam na ramdam din niya ang sakit na pinagdadaanan ngayon ni Bea Alonzo kahit pa hindi niya binanggit ang pangalan ng aktres.

vuukle comment

OOTD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with