^

PSN Showbiz

RK nilinaw ang totoong relasyon kina Jane at Shaina

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
RK nilinaw ang totoong relasyon kina Jane at Shaina

Pumasok ang bagong karakter sa seryeng Nang Ngumiti Ang Langit na ginagampanan ngayon ni Shaina Magdayao, katambal ang karakter ni RK Bagatsing. At dahil nakitaan ng chemistry ang dalawa, nagkaroon na naman ng ilusyon ang fans na baka magkaroon din sila ng something sa totoong buhay. Pero, agad namang nilinaw ni RK na magkaibigan lamang sila, kahit maging ang closeness nila ni Jane Oineza ay nilinaw niya rin. Wala raw ligawang naganap. Naging malapit lamang daw sila noon habang ginagawa ang seryeng Araw Gabi nina Barbie Imperial at JM de Guzman.

Si RK ay mapapanood ngayon sa pelikulang Cuddle Weather katambal si Sue Ramirez na kasali sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino bilang entry. Handog ito ng Regal Entertainment Inc. na ipapalabas na sa September 13, 2019 in cinemas nationwide!

Mga artistang nagliligawan, sa ABS-CBN Ball 2019 magkakabukingan!

Sa pangalawang ABS-CBN Ball na gaganapin sa September 14 natin malalaman kung sinu-sino nga ba ngayon ang magkakarelasyon at nagliligawan pa lamang sa mga paborito na­ting artista.

Ano nga ba ang iisipin ng fans at followers pag nakita nilang magka-date at kung sino ang ka-date sa nasabing event ng mga idol nila hindi ba? Halimbawa na lang nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin na akala ng marami ay sa serye lamang nila na Kadenang Ginto magkatambal. Mukhang pati sa totoong buhay din hindi ba?

Vice at Ion biglang kambyo sa relasyon

Kung dati ay parang hayagan na ang relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez, ipinagtataka naman ng marami ngayon kung bakit biglang dine-deny na nila ang isa’t isa? Sinasabi pa nga noon na magkasama na raw sila sa iisang bubong.

Meron ba silang nasasagasaan? O ‘di kaya naman ay nakakaapekto ba ito sa kanilang karera, lalo na kay Vice? O baka naman wala na itong silbi para sa programa nilang It’s Showtime na nakakuha na ng permanente nitong posisyon sa rating game.

Hindi naman maitatanggi na malakas ang naging hatak ng ginawa nilang tambalan, maging iyong tambalang Vice at Ate Girl Jackie Gonzaga ay kinakikiligan din.

Ano nga kaya talaga ang nangyari?

 

vuukle comment

RK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with