Laway ni Anne at puwet ni Marco, bumenta!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

Finally, meron na ring nag-hit na pelikula ang Viva Films ngayong 2019. Maganda ang kinalabasan sa takilya ng pelikulang Just A Stranger nina Anne Curtis at Marco Gumabao.

Sabi ng mga bading, ang laki raw nang naitulong ng pa-puwet ni Marco. Mabenta raw ang matambok niyang puwet kesa kina Kit Thompson ng Belle Douleur at Enzo Pineda ng Malamaya.

Ayon sa aming reliable source naka-10M ito nung first day of showing na natama pa ng holiday. Pero may inilabas na press release ang Viva na naka-P12.5M daw ito nung nakaraang Miyerkules.

Kung P10 o P12.5M man, malakas pa rin iyun at magandang balita ito sa mga taga-Viva dahil ito na ang sumunod nilang blockbuster movie pagkatapos ng Aurora nung nakaraang Metro Manila Film Festival 2018. Obvious na may drawing power talaga si Anne.

Aliw nga ang usapan sa Twitter dahil sa crying scene ni Anne na may kasamang laway. Akala ng ilang netizens na nakapanood, sipon na yung lumalabas kay Anne nung humahagulgol ito nang iyak. Sinagot ni Anne na “Laway yun. Ugly cry at it’s finest. Di namin inulit yung take kasi ganun naman pag umiiyak ka. Walang maganda. Laway at tulo sipon na hindi mo na ma-control.”

Sumali sa usapan si direk Jason Paul Laxamana na na-bother daw siya sa eksenang iyun, pero para sa kanya maganda at totoong-totoo raw. “Pero since woman of class si Anne, I assumed na baka ayaw niyang makita sa movie na may ganun kasi unflattering.

“Then to my surprise, lumapit sa akin si Anne and asked me kung okay lang ba kung may laway siya. I told her yes, I love it, it’s very authentic. But if she finds it unflattering, I’m okay na kumuha ng mas malinis na take. But Anne is such an actress – she said na if I like it as it is, okay lang sa kanya,” dagdag na tweet iyun ni direk Paul.

Abangan natin kung lalakas pa ba itong Just A Stranger sa dara­ting na weekend.

Biktima ni Sanchez naalala ni Sunshine ang ‘pinagdaanan’

Inilabas ni Sunshine Cruz sa kanyang Facebook account ang pagkadismaya sa napi­pintong paglabas ng dating mayor ng Calauan, Laguna na si Antonio Sanchez.

Si Sunshine ang gumanap na rape victim sa pelikulang Humanda Ka Mayor! Bahala na Ang Diyos na ginawa ni direk Carlo J. Caparas sa Regal at Golden Lion Films noong 1993.

Kasama pa ni Sunshine roon sina Aga Muhlach at Kris Aquino na kung saan si Dick Israel pa ang gumaganap na Mayor na siyang gumahasa at pumatay sa kanya.

Obvious na ibinase ‘yan noon sa pinag-usapang kaso ni Mayor Sanchez.

Sabi ni Sunshine sa kanyang FB account kahapon, “Kuya Dick Israel played the Mayor convicted of rape and murder. I remember being so scared of Kuya Dick Israel dahil sobrang galing umarte. Sobrang realistic that it was really scary.

“To those people saying that Sanchez deserves to be freed, think twice. If something like that happens to one of your relatives or daughters, I am sure hindi n’yo yan sasabihin.

“Nakakatakot malamang may ganyang klase ng tao na never nagkaroon ng remorse na maa­ring malayang makakagalaw. I feel for Eileen’s mom and family.”

Sa pagkakaalam namin, may petition papers na pinapalakad para hindi ituloy ang pagpapalabas kay Mayor Sanchez.

Ang sabi naman ng iba, baka mag-apela ang pamilya nina Gomez at Sarmenta at pakinggan ito ng korte.

Kris at Derek pini-pressure ituloy

Painit nang painit ang mga eksenang napapanood sa The Better Woman, pero marami na ang nakakapansin sa closeness naman nina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Totoo bang ipinakilala na raw ni Derek sa Mommy niya si Andrea? Boto naman daw ang mommy kung sakaling ma-fall si Derek sa leading lady niya.

Ang isa pang narinig naming kuwento, may mga nagpi-pressure daw sa Quantum na ituloy na lang sana nila si Derek sa (K)Ampon.

As of presstime, na-confirm namin kay Atty. Joji Alonso na natanggap na nila ang sulat mula sa Exe­com ng MMFF na hindi nila pinagbigyan ang request na si Gabby Concepcion ang kapalit na leading man.

Ang hinihintay na lang daw ng Execom ang sagot ng Quantum.

Sabi naman ni Atty. Joji, may period daw siya to reply at susundin daw niya ito.

Kung wala pang sagot sina Atty. Joji na tinanggap nila ang desisyon ng Execom, may posibilidad pa ring ituloy nila ang pelikula basta ang original cast na sina Kris Aquino at Derek.

Pero okay pa kaya kay Kris na gawin ang proyektong ito? Parang nakatono na kasi sa utak niyang hindi na matutuloy ang naturang proyekto.

ANNE CURTIS MARCO GUMABAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with