^

PSN Showbiz

Wake ni Gina hindi na madadala sa Ecopark, ABS-CBN open sa mga makikiramay

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Wake ni Gina hindi na madadala sa Ecopark, ABS-CBN open sa mga makikiramay

MANILA, Philippines — May advisory ang ABS-CBN sa wake details ni Ms. Gina Lopez.

Ayon sa kanilang update. hindi na matutuloy ang public viewing ng namayapang Kapamilya at ABS-CBN Foundation chairman sa La Mesa Ecopark dahil sa inaasahang maulan na panahon sa mga susunod na araw.

Kaya sa mga nagnanais na magbigay-pugay at makita si Ms. Gina, bukas ang ABS-CBN Studio 10 para sa lahat ngayong Huwebes at Biyernes (August 22 & 23), mula 9 AM hanggang 12 MN.

Magkakaroon din ng Misa ng 6 PM at susundan ito ng special tribute ng 7 PM.

Maaaring dumaan sa ABS-CBN Center Road gate sa Mother Ignacia Avenue, QC.

Si Ms. Gina ang nanguna sa rehabilitation ng Ecopark kaya marami sanang naghintay na dalhin siya doon.

Patuloy na bumubuhos ang pakikiramay ng mga nagmamahal at natulungan ni former DENR Sec. Gina.

Binawian siya ng buhay three days ago dahil sa brain cancer.

vuukle comment

GINA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with