Arnell mas marami na ang matutulungan
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 22, 2019 - 12:00am

Tawang-tawa ako kay Arnell Ignacio kaya maganda ang idea ng IBC 13 na bigyan siya ng bagong television show, ang Arnelli In Da Haus, isang public service program na mag-uumpisa ngayon, August 22.

Hindi alam ng iba na matalino at napaka-talented na tao ni Arnell. Hindi siya ang common showbiz personality na iisa lang ang talent kaya hindi nakapagtataka na binigyan siya noon ng Duterte administration ng trabaho sa PAGCOR at sa OWWA.

Ngayon naman, may public service program si Arnell sa IBC 13 at bagay na bagay sa kanya ang concept ng show dahil soft-hearted siya.

Marami sa mga kababayan natin na OFW ang natulungan ni Arnell noong opisyal pa siya ng OWWA. Now, mas marami ang kanyang matutulungan dahil sa every Thursday program niya sa IBC 13, ang  Arnelli in Da Haus.

Goodluck Arnel, and good idea Kat de Castro, ang boss ng IBC 13.

Ken hindi nakakalimot

Mabait talaga si Ken Chan dahil naalaala nito na magpadala sa akin ng Ken Chan X Peculiar Collection, ang eyeglasses na bagong endorsement niya na avai­lable sa Lazada.

Cute din ang bluelight flashlight na ibinigay niya dahil enjoy si MJ.

Love ko si Ken na very respectful at thoughtful kaya ang magtagumpay siya sa kanyang showbiz career ang wish ng lahat.

Prima Donnas maganda ang feedback

Kinukulit ako ni Marian Domingo-Antonio tungkol sa masasabi ko sa Prima Donnas, ang afternoon drama series ng GMA 7 na nagsimula noong Lunes.

Tanggap na tanggap ng televiewers ang Prima Donnas at ang gaganda nina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan.

Bongga rin ang support sa kanila nina Aiko Melendez, Katrina Halili at Wendell Ramos.

Ang Prima Donnas ang klase ng drama na gustung-gusto ng mano­nood lalo pa’t  fresh faces ang mga bida at strong ang support stars nila.

Sure ako na tulad ng Bihag, tatangkilikin din ng televiewers ang Prima Donnas.

Mga taong naitigil ang bisyo, mataas ang EQ!

Para sa akin, ang mga tao na nakakawala sa bisyo ang pinakamatalino at mataas ang EQ. Mahirap makawala sa isang pangit na bisyo kung hindi ka matatag at emotionally ready.

Pero ang mga tao (artista man o ordinaryong mamamayan) na may kakayahan na talikuran ang mga bisyo na masama sa katawan na hindi tanggap ng mga tao sa paligid niya ang nagpapakita ng mataas na emotional at mental quotient.

Mahina lang ang isang tao na hindi itatapon ang isang bagay na masama, like illegal drugs. Puwedeng matanggap ko na tumikim ng prohibited drugs ang isang tao dahil curious  pero pagkatapos nito, stop na siya.

Hindi ako naniniwala na mahirap huminto dahil lahat ng masama, dapat pigilan ang sarili para hindi na maulit kaya ang mga bata, maiintindihan ko kapag nalulong sa bisyo kasi nga, mga bata pa sila.

Mahina pa  ang disiplina nila pero ‘yung mga may edad at matatanda , sila ang dapat na matibay sa paglaban sa tukso.

So, ‘yung may mga masasama na bisyo, para sa akin, mentally, mahina ang takbo ng kanilang mga utak. Kung gusto nila na ipakita na matalino sila, layuan nila ang masasamang bisyo.

ARNELL IGNACIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with