Paolo umaming member ng LGBTQIA+
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - August 22, 2019 - 12:00am

SEEN: Tumatanaw ng malaking utang na loob sina Dennis Padilla at Andrew E. kay Janno Gibbs dahil ito ang nag-suggest kay Boss Vic del Rosario ng Viva Films para isama sila sa cast ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo.

SCENE: Walang nagulat sa pag-amin ni Paolo Ballesteros na member siya ng LGBTQIA+ community. Hindi na kailangan ni Paolo na umamin dahil what you see is what you get.

SEEN: Ang magaganda at positive reviews ng mga film critic at ordinary moviegoers tungkol sa Just A Stranger ang magpapatunay na walang katotohanan ang balita na hindi nagustuhan ng selection committee ng Pista ng Pelikulang Pilipino ang pelikula nina Anne Curtis at Marco Gumabao kaya hindi ito napili na official entry.

SCENE:Umaasa si Dennis Trillo na parehong tatangkilikin ng publiko ang mga pelikula nila ni Anne Curtis na magkasabay na nagbukas sa mga sinehan dahil magkaiba ang genre ng Mina-Anud at Just A Stranger. Sina Dennis at Anne ang magkapareha sa 2016 movie na Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend? Si Dennis ang lead actor ng Mina-Anud at si Anne ang bida sa Just A Stranger.

SEEN: Ang Viva International Pictures ang local distributor ng Angel Has Fallen, ang hardcore action picture na pinagbibidahan ni Gerard Butler. Nagbukas din kahapon sa mga sinehan ang Angel Has Fallen. Si Mike Banning pa rin ang central character sa Angel Has Fallen. Si Banning, ang popular at almost immortal character ni Gerard Butler sa blockbuster movies na Olympus Has Fallen noong 2013 at London Has Fallen noong 2016.

PAOLO BALLESTEROS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with