^

PSN Showbiz

Matteo Guidicelli isa nang tinyente

James Relativo - Philstar.com
Matteo Guidicelli isa nang tinyente
Sa pangunguna ni Army Commanding General Lt. Gen. Macairog Alberto iginawad kay Matteo Guidicelli ang ranggong "second lieutenant" at sinamahan ng singer-actress at girlfriend na si Sarah Geronimo.
Facebook/Philippine Army

MANILA, Philippines — Itinaas ang ranggo ng aktor at Philippine Army reservist na si Metteo Guidicelli sa ginanap na "rank ceremony" sa Fort Bonifacio ngayong araw, Martes.

Sa pangunguna ni Army Commanding General Lt. Gen. Macairog Alberto iginawad sa kanya ang ranggong "second lieutenant" at sinamahan ng singer-actress at girlfriend na si Sarah Geronimo.

Ito'y dahil daw sa paggamit niya sa kanyang impluwensya upang itaguyod ang kapayapaan at pagkamakabayan sa kabataan, maliban sa pagtatapos ng kanyang Scout Ranger Orientation Course nitong Hunyo.

"Gagawin ko ang lahat para ibigay ang makakaya bilang mamamayang Pilipino at bilang bahagi ng Army reserve para katawanin ang Army sa pinakamahusay na paraan," ani Guidicelli sa Inggles.

 

 

Idiin din niya kung gaano kaimportante ang militar para sa lahat.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-apruba ng kanyang commissionship nitong ika-7 ng Agosto, ayon sa Facebook account ng Army.

"Kailangan namin ng kayang magsalita para sa amin," sabi ni Alberto.

Kasama rin sa seremonyas ang pamilya ni Guidicelli at iba pang senior officers ng kasundaluhan.

Maliban kay Matteo, matatandaang naging reservist na rin ng Army ang aktor na si Gerald Anderson matapos sumailalim sa tatlong araw na Soldier’s Skills Orientation Training sa Camp Tecson.

 

 

Matatandaang na-induct naman sa Philippine Coast Guard Auxiliary sina Nico Bolzico at Erwan Heussaff nitong Marso.

"Etong mga artisang Reserve Force na, kaya nilang makapagbigay ng mas magandang imahen sa bansa, mas magandang imahen sa Armed Forces dahil pinakikinggan sila," dagdag ni Alberto. 

"Kaya maeengganyo nito ang iba pang bahagi ng lipunan na sumali ng Armed Forces lalo na yung mga kabataan natin." — may mga ulat mula sa The Freeman

vuukle comment

MATTEO GIUDICELLI

PHILIPPINE ARMY

RESERVIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with