Ms. Gina Lopez
Gina Lopez hindi pinaalam sa pamilya ang sakit noon!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 20, 2019 - 12:00am

Rest In Peace Ms. Gina Lopez. 

Sumakabilang-buhay na nga ang philanthropist at environmentalist na si Ms. Gina Lopez kahapon dahil sa multiple organ failure matapos makipaglaban sa sakit na brain cancer ayon sa ABS-CBN. Pero last weekend ay nabalita na pumanaw siya pero itinanggi ng Kapamilya Network insider.

Pero kahapon ay nagkaroon ng official announcement na namaalam na nga si Ms. Gina na huling nakaharap namin sa media conference para sa partnership ng programa niyang G Diaries with Net Geo last February.

Siya ay 65 years old.

Si Ms. Gina ay former DENR Secretary at matagal na chairperson ng ABS-CBN Foundation Inc. (AFI).

Narito ang official statement ng ABS-CBN sa pagpanaw ni Ms. Gina.

“Lubos na nagdadalamhati ang ABS-CBN sa pagpanaw ng chairman ng ABS-CBN Foundation na si Regina Paz “Gina” Lopez.

“Sa pagpanaw ni Gina, kasamang namaalam ang isang maalab na tagapangalaga ng karapatan at proteksyon ng mga bata, masugid na tagapagsulong ng kabuhayan ng mga kapus-palad, at isang matibay na pundasyon ng pangangalaga sa kalikasan.

Ang walang-pagod niyang pagsusulong sa mga adbokasiyang ito ang naging dahilan para mabuo ang Bantay Bata 163, Bantay Kalikasan, at iba pang programa sa ilalim ng ABS-CBN Foundation. Bago siya nagsilbi bilang chairperson ng Pasig River Rehabilitation Commission at kalihim ng Department of Environment and Natural Resources, isinulong din niya ang hindi mabilang na mga kampanya at proyekto, kabilang na ang Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig, No To Mining in Palawan, La Mesa Watershed reforestation, at ang TV program na “G Diaries” – na lahat ay nag-iwan ng hindi malilimutang pagbabago sa mga komunidad.

“Si Gina ang sandigan ng lakas na nagtulak sa AFI na maisagawa ang mga bagay na tila ba imposible. Ang puso at pagmamahal niya ang nagbigay ng inspirasyon sa mga tao sa loob at labas ng organisasyon na tumulong at magsilbi sa kapwa.

“Kasabay ng aming pakikiramay sa pamilya at mahal sa buhay ni Gina, ipinagdarasal din namin na manatiling buhay ang kanyang alaala sa puso ng bawat Kapamilya.

“Hindi namin siya malilimutan at patuloy naming tatanawin ang kanyang mga kontribusyon hindi lamang sa ABS-CBN, kundi sa buong bansa.

“Maraming salamat Gina, sa pagpapakita sa amin kung paano mabuhay nang naglilingkod sa Pilipino.”

Breast cancer ang unang sakit ni Ms. Gina na na-detect noong 2017.

Kuwento niya sa isang article niya na lumabas sa Philippine Star that year : “Sometime back, I noticed a lump in my breast. I was not worried at all because it was shrinking through the use of a laser I had gotten from a friend. However, I had a doctor friend who insisted on a biopsy so I gave in. Going back, if I had the chance to make a choice again, I would not do the biopsy because people in the alternative field have told me that cutting up the lump actually spreads the cancer cells and this to me makes sense. Anyway, the result was that I had malignant invasive cancer — and this was validated by tests in Singapore. I was totally unperturbed because I felt fine. I refused any kind of chemical or invasive treatment because I had seen the effect these had on people I knew. I didn’t tell anyone at all because I didn’t want to be hassled into doing things. I told my family only when the tests conclusively indicated I was okay. It took eight months — and my sense is I was probably okay way before then — and I just didn’t want to take the tests until I had at least a month’s use of a machine called the Beam Ray,” mahaba ang nasabing article at kinuwento niya doon na nalabanan niya ang nasabing sakit ‘The Natural Way.’ 

Bago siya naging aktibo sa kanyang adbokasiya na pagmamahal sa kalikasan at kapaligiran, naging misyonaryo siya for 20 years.

“In the 20 years I was a missionary, I never experienced lack of money or food. It was not a luxurious life, but I always had enough for basic needs. The only time I can remember going hungry was during training, because it partly involved restricting food. I do not think this is advisable for spiritual growth because one can’t concentrate if one is hungry. Instead of feeling the Divine, one is thinking of dinner,” sabi niya sa isang article tungkol sa naging karanasan niya sa Africa at iba’t ibang mahihirap na bansa na kanyang tinulungan.

At any rate, sa G Diaries siya huling napanood.

Pero sa reply nito lately na napapanood sa ANC, si Mr. Ernie Lopez na ang nagho-host. Tinutulungan ng programa ang mga katutubo na mag-develop ng mga puwede nilang pagkakitaan.

Last February ay wala kaming nakitang trace na may sakit pala si Ms. Gina.

Ang sigla-sigla niya pa noon na nag-iimbita pang sumama ang press sa mga pinupuntahan nilang lugar para madiskubre ang ganda ng kalikasan ng bansa. Kumanta pa siya noon ng very short lang. Favorite niya ang I Believe I Can Fly.

Dinagsa ng pakikiramay ang pamilya ni Ms. Gina - mula sa mga pulitiko, artista at mga ordinary people.

Sikat na American TV host / lifestyle icon namasyal sa Manila

Pumasyal sa Manila ang sikat na TV personality and lifestyle icon na si Martha Stewart na kilala rin sa pagtuturo sa pag-aayos ng bahay.

Ipinasyal siya kahapon sa tourist spots ng Maynila nina Department of Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat at Mayor Isko Moreno.

Kasama sa mga inikot nila ang Intramuros, Fort Santiago, and San Agustin Church.

Hinainan din siya ng mga masasarap na pagkaing Pinoy na inihanda ng sikat na Pinoy chefs na si Ms. Margareta Fores and Ms. Happy Ongpauco.

Melanie Marquez umeksena sa Mutya..

Umeksena pala si Melanie Marquez sa coronation night ng Mutya ng Pilipinas.

Yup, nabitiwan niya raw ang korona na dapat sana ay ipuputong niya sa isa sa mga nanalo sa Mutya ng Pilipinas na si Mutya ng Pilipinas 2019 World Top Model Philippines April Short ng Zamboanga City.

Pero mabilis naman daw pinulot ni dating Miss International (1979) at saka inilagay sa nanalo.

Anyway, hindi naman gaanong nag-create ng ingay ang ginanap na Mutya dahil na rin siguro sa rami ng mga beauty pageant na ginaganap lately.

GINA LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with