Mutya ng Pilipinas ang daming imports
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - August 20, 2019 - 12:00am

Marami ring imports sa katatapos na Mutya ng Pilipinas 2019. Nakaagaw din sila ng ningning sa ating local beauties na pinapayagan nang sumali sa nasabing paligsahan ng kagandahan. Sana lamang ay mga tunay din silang Pinoy at hindi anak lamang ng mga Pinoy at mamamayan na ng ibang bansa. Dalawa sa kanila, sina Louise Janniu Arroyo, Mutya ng Pilipinas Overseas Communities ay mula California at si Tara Goldmam, Mutya ng Pilipinas Tourism International ay taga-Nevada. Ang dalawa nang nanalo ng major  titles, sina April Short, Mutya ng Pilipinas Top Model Philippines at Klyzza Castro, Mutya ng Pilipinas Asia Pacific International ay mula Zamboanga at Davao naman.  

James susubuking mag-solo

Dahil marahil wala siyang masyadong trabaho sa Viva kung kaya nagpasya si James Reid na magpa-release muna sa nasabing kumpanya at subuking tumayo sa kanyang mga sariling paa at pagtuunan ng pansin ang kanyang pagkanta.

Mayroon naman siya isang recording company, ang Careless Music Manila na makakatulong ng malaki sa kanyang pagtutuon muna ng pansin sa kanyang boses. Hahayaan muna niya ang loveteam/girlfriend na si Nadine Lustre to seek its own course until such time na magkaroon muli ng clamor sa kanilang tandem.

For the meantime, imamaneho muna ng kanyang ama ang kanyang solo career. Ito rin ang sumama sa kanya sa Viva nang magpa-release siya sa kanyang kontrata. Malaking indikasyon ng kanyang pagnanais na makapagsarili ang pag-atras niya sa Pedro Penduko. Medyo mahihirapan si James sa kanyang gagawing pagbabago sa kanyang karera pero may iba pa naman siyang talento na magagamit para mapaunlad pa ang kanyang sarili bukod sa pag-aartista.

Kris umiiwas sa bad luck

Sayang naman at inurungan ni Kris Aquino ang pagsama sa pelikulang pang-Metro Manila Film Festival 2019 sana ng Quantum Films na (K)Ampon. Isang mapamahiing babae ang ex presidential daughter and sister. Nakatulong ng malaki sa ginawa niyang desisyon ang nauna nang pag-back out ni Derek Ramsay. Syempre, nagpakadisente lamang siya na i-welcome ang pagpalit dito ni Gabby Concepcion whom she welcomed graciously sa simula until ma-realize niya siguro na isa itong panghimakas ng marami pang problema na susungin ng comeback movie niya.

Sayang, inaabangan na ng lahat kung hanggang saan siya bibigay sa magiging mga lovescene niya na inihingi pa niya ng permiso o kahit ipinabatid lamang sa kanyang mga anak. Sayang din dahil parang trial ito ng pagbabalik niya sa mainstream. Tsk. Tsk. Tsk.

Aga at Alice movie isasalang bago ang MMFF

Malaking challenge para kay Aga Muhlach ang Filipino adaptation ng isang Korean hit movie na natanggap na entry sa MMFF 2019 na Miracle in Cell No. 7. Tungkol ito sa isang mentally challenged single dad na nakulong sa kasong pagpatay umano sa isang batang babae. Una sanang makakasama niya sa movie si Nadine Lustre na tumanggi dahilan sa kaabalahan nito. Hindi na raw nito makakayang tumanggap ng isa pang pelikula para sa taong ito. Pinalitan siya ni Bela Padilla. Kasama rin si Zia Vigor.

Tapos na tapos na ni Aga ang Nuuk, ang movie nila  ni Alice Dixson na kinunan pa sa Iceland. Ipapalabas ito bago mag-MMFF 2019 at inaasahang hindi makakaapekto sa box-office ng Miracle in Cell No. 7.

Volleyball humahabol sa kasikatan ng basketball

Nakakaagaw ba ng malaki sa kita ng takilya ang mga game ng Philippine Volleyball League, Open Conference man o Collegiate ang pagpapalabas dito ng live sa TV? Bukod sa hindi ito napapanood ng live sa TV ay medyo inaabot din ng araw bago mapanood ang mga laro nito sa telebisyon. Nakakatuwa pa namang walang imports ang mga nasabing games na umaagaw ng pansin sa mga lokal na manlalaro at pawang mga Pinoy na ang naglalaban-laban.

Mabilis na inaagawan ng kasikatan ng larong volleyball ang kinagisnan kong basketball na kumukuha na rin ngayon ng mga import.

‘Remember ko yung time na pawang mga local  ang naglalaro pero, sinusubaybayan pa rin sila  at patok sa mga manonood sa hardcourt man  o sa TV. Let’s all stick to an all Filipino games. 

MUTYA NG PILIPINAS 2019
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with