Dennis Padilla
Dennis hinihintay magsalita
(Pilipino Star Ngayon) - August 20, 2019 - 12:00am

SEEN: Sa September 25 at hindi na December 11 ang playdate ng Jowable, ang launching movie ni Kim Molina. Ang Jowable ang directorial debut ni Darryl Yap, ang creator ng viral VinCentiments short films.

SCENE: Humupa na ang kontrobersya sa love triangle nina Gerald Anderson, Julia Barretto at Bea Alonzo pero umaasa pa rin ang entertainment writers na magsasalita si Dennis Padilla sa presscon ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo tungkol sa isyu na kinasasangkutan ng kanyang anak. Hindi nagpainterbyu si Dennis noong kainitan ng isyu dahil pinakiusapan siya ni Julia  pero naglabas ng maaanghang na salita si Inday Barretto, ang lola ng kanyang anak.

SEEN: Pinagtagpo ng Starstruck staff si Jeremy Sabido at ang kanyang biological father. Kasama ang tatlong kapatid, walong taon si Jeremy nang basta na lamang sila iwanan noon sa isang hotel ng kanilang ama. Kahit sinabi ni Jeremy na mahal na mahal nila ng kanyang mga kapatid ang ama na nag-abandona sa kanila, hindi ito naramdaman ng Starstruck televiewers.

SCENE: Kapag walang activities ang mga kandidato ng Mr. World 2019, nakikita sila na paikot-ikot at namamasyal sa Araneta Center dahil ang Novotel ang official residence nila. Sa August 23 ang grand finals ng Mr. World sa Smart Araneta Coliseum at mapapanood ito sa GMA 7 sa August 25.

SEEN: Mabilis na kumalat sa Internet ang litrato ng butt exposure ni Marco Gumabao sa isang eksena ng Just A Stranger kaya palaisipan kung sino ang nag-leak ng larawan niya.

DENNIS PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with