^

PSN Showbiz

Kris kailangang pag-isipan ang sign

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris kailangang pag-isipan ang sign
Kris Aquino

Kung ako rin ang nasa katayuan ni Kris Aquino, medyo mawawala ang momentum ko sa nangyari sa pelikula niya para sa 45th Metro Manila Film Festival na hindi matutuloy.

Baka nga sign ito of something kaya dapat pag-isipan na mabuti.

Okey rin ang message ni Gabby Concepcion para kay Kris na ‘A comeback is stronger than the setback.’

Lumabas na ang lahat ng excitement sa comeback movie ni Kris kaya sana, the right one for all ang desisyon na gagawin niya.

Sayang naman kung magkakamali ng desisyon sa isang bagay na maganda at may promise. Basta whatever, give the wisdom of choice for Kris kasi siya talaga ang center ng K(Ampon).

Kung anuman ang kalalabasan nito, si Kris ang sisisihin, siya ang magdadala ng burden at siya lang ang makikita na may mali. So kung ano ang gut feel ni Kris, go for it. Fighting.

Nanette at Gerald hindi nagpatalo

Makikita ang strength of character ng isang tao kapag nasa gitna siya ng problema at kung paano niya hinaharap.

Kung minsan, akala natin, mahina ang personalidad ng isang tao pero siya pala ang the strongest dahil na-handle niya nang mabuti ang problema.

Noong mangyari ang Manila Film Festival scam noong June 1994, ang akala ko, si Nanette Medved ang weakest sa lahat ng sangkot but she came out the winner.

Nagtapos siya ng pag-aaral sa Boston Ivy League school, naging Mrs. Cris Po, nagkaroon ng international award dahil sa charity works niya at a very lo­ving mother of two boys.

Ang strength of character ni Nanette, hindi nakita noong nasa showbiz siya pero she came out strong noong nasa gitna siya ng problema.

Winner si Nanette dahil hindi siya naging whining victim na naiwan lang sa tabi. Ginawa niya na pampatibay ang pangyayari.

At ito ang nakikita ko ngayon kay Gerald Anderson. Nag-training siya at nag-immersed sa trabaho, he just faced the problem head on. Hindi niya pinabayaan na masira ang sarili sa mga pangyayari lalo na ang mga bashing na tinatanggap niya dahil sa ghosting.

Ganyan ang dapat na pagharap sa problema. Face the consequences but save yourself. Win in the middle of trouble.

‘Naalala ko ang Nanay ko’

Bum Tenorio of Philippine Star made me cry on a Sunday. Basta nagsulat si Bum ng tungkol sa nanay at tatay niya, you feel the sincerity of his love sa kanyang parents.

Inggit na inggit ako kay Bum dahil nadala nito ang nanay niya sa Taipei.

First time ng nanay ni Bum na nagpunta sa ibang bansa. Nag-flashback talaga ang laging sinasabi ng nanay ko noon na gusto niya sumakay sa eroplano pero hindi ko naibigay sa kanya.

Noong can afford ko na siya dalhin sa ibang bansa , kahit saan niya gusto, bawal na dahil nga sa heart problem ng nanay ko.

You feel the happiness in Bum sa isinulat nito na how happy ng nanay niya sa mga ginawa at experience nila sa Taiwan. How energetic sa mga tour at ginagawa nila together.

Grabe ako sa melancholia habang binabasa ko ang column ni Bum. How lucky of Bum na hanggang ngayon malakas pa si Nanay Candida. How lucky of Nanay Candida to have a son like Bum. Thank you Bum. That column made my day kahit umiyak ako.

Naalala ko talaga ang nanay ko na si Irene, siguro pasyal din siya na naka-duster sa Hongkong na gustong-gusto niya na puntahan.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with