Gerald Anderson
Gerald sumali sa terrorism issues ng mga kabataan
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maging responsible sa social media at other media accounts ang latest post ng controversial actor na si Gerald Anderson dahil nagagamit ito sa issue ng terrorism sa bansa. Mainit na pinag-uusapan ang tungkol sa diumano’y pagre-recruit ng mga kabataan sa social media para maging kakampi ng mga  komunista / terorista.

Ayon sa mga balita sinasamantala raw kasi nga mga komunista ang galit at kahinaan ng ibang mga batang mag-aaral. 

 “This country.. very honored to be able to go Home (gensan) and bring awareness about peace and terrorism issues ..terrorist recruitment of our youth through social media .. be careful of false information .. dapat lagi tayo magresearch bago magdecide on what to believe .. civilians,celebrities News Channels lets be responsible on what we take & put on social media and other media accounts .. we have to stay united as a country,” caption niya sa picture niya habang nagsasalita na naka-military uniform.
Miyembro ng Philippine army reservist ang actor matapos ang Soldier Skills Orientation Training in Camp Tecson, Bulacan.

Pero ang mas gustong malaman ng lahat kay Gerald ay ang sagot niya tungkol sa kanila ni Julia Barretto.

SB19 3 years nag-training sa mga Koreano

Grabe, parang mga tunay na Koreano na ang kaka-launch na SB19, ang first 5-member all Filipino idol boy group na trained and managed under Korean entertainment company, ShowBT Philippines Corp. na umaasang magkakaroon ng break sa Philippine music scene.

Armed with more than three years of intense training under Kpop system, confident sina Sejun, Stell, Josh, Ken and Justin na agad silang mabibigyan ng puwang sa industry with their newest single, Go Up.

Kino-consider ng SB19 ang Go Up na breakthrough single following their debut track Tilahula which was released last October 2018.

Tungkol sa hardship and overall journey in reaching one’s goal ang kantang Go Up. Wish nila na through this ay ma-inspire ang iba to never give up on their dreams.

Naka-trabaho nila ang music producer group na RealBros, the team behind numerous K-pop hits It’s You by Shiinee’s Taemin, November with Love by TVXQ; Good Morning Night by JYJ’s Jaejoong; Always from Mnet’s Produce 101 Season 2 (later on officially released by the group Wanna One); 4419  by Stray Kids at marami pang iba.

Go Up was specifically composed and produced by Oh-won Lee na kilala ring sa pangalang Jinjja Sanai.

Ang kanilang music video ay directed by JC Gellidon, who has worked with local and international brands and celebrity.

Gusto ring patunayan ng grupo na oo nga at they’re trained in the Korean system, pero andiyan pa rin ang Filipino flare that we are all familiar with.

Currently out na ang Go Up on Spotify, Apple Music, Deezer, Amazon Music, Google Play Music at sa iba pang digital platforms.

GMA telebabad may pagbabago

May changes sa schedule ng GMA Telebabad simula ngayong gabi.

Mag-uumpisa na ang kanilang primetime shows sa Sahaya, Love You Two and The Better Woman.

Mula sa unique and enthralling story of a hopeful Badjao in Sahaya, to the kilig-to-the-bones romance between Raffy and Jake in Love You Two, up to the intriguing rivalry between sisters vying for the love of one man in The Better Woman, dadalhin kayo  ng GMA Telebabad sa emotional roller coaster ride gabi-gabi.

TNT Boys may docu series ng buhay nila

 Paano nga ba ibinabalanse ng TNT Boys ang kanilang karera, pag-aaral, at pag-eenjoy bilang mga bata? Ano ang mga pinagdaanan nila bago makamit ang tagumpay at ano pa nga ba ang aabangan mula sa kanila?

Panoorin ang makulay na byahe ng TNT Boys mula sa pagiging maliliit na batang nangarap hanggang sa nakilala sila ng buong mundo sa iWant original documentary series na TNT Boys: Journey to the World Stage mapapanood ng libre.

Nasa docu series ang behind-the-scenes footage ang kanilang tagumpay na nakuha at pagkakaibigang nabuo ng TNT Boys na nagbigay ng inspirasyon sa kanilang mga tagasubaybay.

Bago pa man nakilala ang trio sa buong mundo at ng idolo nilang si Ariana Grande, pinabilib na nina Mackie Empuerto, Keifer Sanchez, at Francis Concepcion ang madlang people bilang grand finalists sa Tawag ng Tanghalan Kids sa It’s Showtime. Hindi man nagwagi sa kumpetisyon, mas pinatibay lamang nito ang kanilang mga loob para ipagpatuloy ang pagkanta at pagkamit ng kanilang mga pangarap para sa kani-kanilang pamilya hanggang sumikat nga sila.

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with