Kim Chiu, Maja Salvador
Kim at Maja, mas tumibay ang friendship dahil kay ‘Gerald’
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

Malaki ang pasasalamat ni Kim Chiu dahil nanumbalik ang maayos nilang pagkakaibigan ni Maja Salvador. Matatandaang nagkaroon ng tampuhan ang dalawa nang maging kasintahan ni Maja si Gerald Anderson na unang naging kasintahan ni Kim. Ngayon ay malapit nang muli sa isa’t isa sina Kim at Maja. “Sa amin kasing dalawa ni Maja, nagpapasalamat ako kasi kung ano ‘yung klase ng pagkakaibigan ‘yung gusto ko, ‘yon din ‘yung gusto niya. Parehas kami ng pananaw sa buhay, kung ano ‘yung tapos na, tapos na. And buti na lang nagkasundo kami doon, nagkaintindihan kami. And it just shows na no matter what happened, kung ano man ang bagay na nakasira sa amin, eh pwedeng kalimutan at pwedeng ibalik ‘yung dati,” makahulugang pahayag ni Kim.

Nagpaabot din naman ng pasasalamat si Maja para kay Kim. “Alam mo naman na simula dati pa lang, na mahal kita. Alam kong ibang klase ng friendship ang meron tayo and alam mong gusto kong ibalik at i-maintain kung ano ang friendship na meron tayo. Masaya ako na naibalik ‘yon at masaya ako na wala tayong pakialam kung mayroon pa ring hindi naniniwala sa kung anong friendship meron tayo,” mensahe naman ni Maja kay Kim.

Enzo, wala pang karanasan sa may edad

Walang problema kay Enzo Pineda kung sakali mang magkagusto ang isang babaeng malaki ang agwat ng edad sa kanya. Dalawampu’t siyam na taong gulang na ngayon ang aktor pero hindi pa nakararanas na makipag­relasyon sa mas matanda sa kanya. “Wala namang nagpaparamdam. Paano ko malalaman di ba? I don’t know, wala naman. If ever naman naa-appreciate ko sila,” nakangiting pahayag ni Enzo.

Hindi raw hahayaan ng binata na ang babae ang unang magparam­dam nang pagkagusto sa kanya. “Siyempre hindi naman ako gano’n. Hindi naman pwede na ‘yung babae ang nanliligaw. Dapat ‘yung lalake ‘yung nanliligaw. Siyempre dapat gentleman pa rin. I haven’t experienced eh na gano’n ‘yung situation. If ever man, hindi ko po alam,” giit ng aktor.

Samantala, para kay Enzo ay guma­ling siya bilang isang aktor pagkatapos gawin ang pelikulang ‘Malamaya’ na kalahok sa Cinemalaya Film Festival. “To be honest with everybody, aminado ako na I’m not the best actor in my industry pero I just really love acting. It’s my passion and that’s why I’m here taking a different role, taking a much daring role because I want to explore on my craft. I feel that as an actor I’ve grown a lot in terms of maturity, cou­rage and I just feel blessed to be part of this wonderful project. Of course marami pa akong kailangang patunayan and I’m just really grateful to be part of this beautiful film. It really took a lot for me to do this,” paliwanag niya.    (Reports from JCC)

KIM CHIU MAJA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with