Kris Aquino
Kris pinaglalaruan na naman ng kapalaran
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

Parang pinaglaruan na naman si Kris Aquino ng kapalaran. Excited siya na magbalik-trabaho at bagay sa kanya ang (K)Ampon, ang comeback vehicle na napili niya pero nagkaroon ng hitches.

Si Gabby Concepcion ang ipinalit kay Derek Ramsay bilang leading man ni Kris sa film festival movie nito pero dahil sa bilis ng mga pangyayari, nakalimutan nila na ipadala agad ang letter informing the Metro Manila Film Festival Executive Committee tungkol sa pagpapalit ng leading man.

I can just imagine ang frustration ni Kris. Sayang dahil talagang parang itinakda na ang project sa pagbabalik-tambalan nila ni Gabby ang magsisimula uli ng showbiz career niya tapos ganoon ang naging ending.

Sana, maayos ang lahat dahil hindi naman akalain na magkakaroon ng problema sa schedule ni Derek. Saka dapat, dahil sanay na si Atty. Joji Alonso sa pagsali sa mga film festival, alam na niya ang mga sinusunod na panuntunan.

Well, usually naman mga setback na ganito is for the better. Malay natin, baka mas maganda ang kalalabasan. Wait na lang tayo.

Ronnie Ong seryoso sa pagiging congressman

Hindi talaga natin alam where our fate will lead us gaya ni Ronnie Ong na ngayon ay congressman dahil nanalo noong midterm elections ang Ang Probinsyano Party-List.

Noong ang kanyang negosyo lang ang hinaharap ni Ronnie, friend siya ng mga pulitiko, ilang showbiz personalities, entertainment writers at close sila ni Bernard Cloma.

Kaya nang sabihin niya noon na isa siya sa nominees ng Ang Probinsyano Party-List, nagulat ako dahil hindi ko alam na papasukin niya ang politics.

Pero now, engrossed na engrossed na siya sa kanyang mga trabaho sa Congress at alam na niya mga pasikut-sikot dito.

Hindi rin siya nanibago si Ronnie dahil most of the people in congress, mga dati na niya na kaibigan.

Tuwang-tuwa nga ang friends ni Ronnie na busy siya at seryoso sa trabaho niya. Well, katulad ni Niña Taduran na kaibigan natin Salve, kahanga-hanga ang dedikas­yon nila ni Ronnie sa trabaho. Break a leg, at welcome to congress Ronnie Ong.

Andrea at Khalil, bago sa paningin

‘Yung invite ni Rose Garcia na presscon para sa movie na The Ghosting ng Reality Entertainment, akala ko tungkol sa lifestory ni Gerald Anderson. Hahaha, joke, joke.

Tungkol sa totoong multo ang kuwento ng The Ghosting na showing sa mga sinehan sa August 28.

Cute naman ang team up nina Andrea Brillantes at Khalil Ramos dahil very refreshing na may mapanood tayo na bagong magkapareha.

Very impressive naman pagkakagawa ng pelikula, base sa ipinapakita na trailer ng The Ghosting.

Good survivor ng intriga si Andrea dahil nalagpasan nito mga nakakaloka na isyu noon tungkol sa kanya. Kalmado na naman si Khalil na in love na in love kay Gabbi Garcia. Bagay rin sina Khalil at Gabbi dahil pareho sila na intelligent talker.

Maging hit movie sana ang The Ghosting, lalo pa’t palasak na palasak ngayon ang word na ghosting. Kapag naging blockbuster ang pelikula nina Khalil at Andrea, gaganahan ang mga movie producer na mag-produce.

Suportahan natin mga Tagalog movies para lalong sumigla ang local movie industry.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with