James Reid
James ima-manage na ng tatay
(Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

SCENE: Matutuwa si Marco Gumabao kapag nalaman nito na pinupuri ng mga film critic ang pagganap niya sa Just A Stranger, ang love story/drama movie nila ni Anne Curtis na mapapanood sa mga sinehan sa Miyerkules, August 21. Ngayong gabi ang red carpet premiere ng pelikula sa Cinema 1 ng SM Megamall. Magkakaroon din ng celebrity screening ang Just A Stranger at invited dito si Erwan Heussaff, asawa ni Anne.

SEEN: Umuusok ang mga love scene nina Marco Gumabao at Anne sa Just A Stranger pero dapat abangan ang kakaibang ending ng pelikula na may tema ng expectation versus reality. Nasagot sa special screening ng pelikula ang tanong kay Marco kung may butt exposure siya sa pelikula nila ni Anne. Sulit na sulit ang exposure ng brand ng underwear na iniendorso ni Marco.

SCENE: Ipinagdiwang kahapon ni AiAi Delas Alas sa Sunday PinaSaya ang 30th anniversary niya sa entertainment industry. Mahal na mahal ni AiAi ang showbiz dahil naging mabuti ito sa kanya at sa pamilya niya. Natupad ang lahat ng mga pangarap ni AiAi para sa sarili niya at sa ibang mga tao dahil sa showbusiness.

SEEN: Lumitaw ang pagiging fan nina Ken Chan at Rita Daniella nang makita nila kahapon si Coco Martin sa Kadayawan Festival. Nagpo-promote na sina Ken at Rita ng One of the Baes, ang upcoming show nila sa GMA 7.

SCENE: Kahit hindi na siya contract star ng Viva Artists Agency at Viva Films, may mga commitment pa rin na dapat tapusin si James Reid sa kanyang dating home studio. Maayos ang pagpapaalam ni James at ng kanyang ama na si Robert Malcolm Reid sa Viva. Ang tatay na ni James ang mamamahala sa showbiz career niya na pinasigla ng Viva.

JAMES REID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with