Derek Ramsay
Derek nagsalita na sa masaklap na kapalaran ng pelikula nila ni Kris
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

In-assure nina Kris Aquino at Derek Ramsay na hindi mababago ang pagkakaibigan nila pagkatapos ang nangyaring problemang hinarap ng pelikulang pagsasamahan sana nilang dalawa.

Nag-comment si Derek sa isang IG post ni Kris na; “@krisaquino things happen for a reason and I’m positive you and I will work on something amazing soon. You are so right that rules are rules.”

Sinagot naman ni Kris ng “@ramsayderek07 thanks for the call BUT more than that THANK YOU for the almost 15 years of friendship. Love to your mom & it was wonderful hearing your dad’s voice.”

Na kaagad namang sinagot ni Derek ng “@krisaquino yes 15 solid years. It’s unfortunate that this project won’t push through but you and I both know that there will be something bigger and better at the right time.”

Si Gabby Concepcion naman ay nag-post sa kanyang IG account ng mensahe para kay Kris na; “The comeback is always stronger than the setback.”

Ngayong araw pa lang ipadadala ng Metro Manila Film Festival executive committee ang kanilang sulat sa producers ng  (K)Ampon.

Bale doon pa lang malaman ang official na decision nila, pero ang dami nang nasabi at napag-usapan sa social media.

Kaya inaasahang doon pa lang maglalabas ng official statement ang producer na inaasahang manggagaling kay Atty. Joji Alonso.

Wala pa kasi silang pahayag kung itutuloy pa rin ba nila ang shooting.

Kasi may mga nagsasabing puwede namang ituloy pa rin ang shooting at tapusin ito bago ang deadline ng finished films sa September 20.

Natanggal man siya sa apat na official entries dahil hindi na si Derek ang leading man, puwede pa ring makapasa sa Selection Committee kung maganda ang kalabasan ng pelikula, at si Gabby na ang lead actor nito.

Pero sana, tahimik na lang muna si Kris at umiwas muna sa social media. Pwede silang magtuloy ng shooting na tahimik lang at i-submit na lang uli sa MMFF.

Pati ex ibinukong kakapiranggot ang ‘kaligayahan’, magandang aktres na hiwalay sa asawa favorite topic sa kuwentuhan ang mga natikmang ‘sandata’

Hindi makapaniwala ang mga katrabaho nitong magandang aktres na parang ‘di nalalayo sa ibang bading kung makipagkuwentuhan tungkol sa ari ng lalaki.

Matagal na siyang hiwalay sa asawa niya at base sa mga kuwento niya, tila ibinuko niyang may kaliitan ang sandata ng dating asawa.

Sabi raw niya, huwag magpapaniwalang lahat ng matangkad ay may kalakihan ang hinaharap.

Maniwala raw sa kanya dahil na-experien­ce na raw niya.

Kapag nagkakahuntahan sila ng mga staff na bading sa set, ang ari ng lalaki ang type na type nilang pag-usapan.

Knows na raw niya kung may kadakilaan o kapos sa sukat.

Sa tono ng mga sagot nito, enjoy na enjoy siya sa mga lalaking ‘dakila’.

Jeremy ng Starstruck madrama ang buhay

Madrama ang pagtatagpo ng tunay na ama at ng adoptive father ng fina­list ng Starstruck na si Jeremy Sabido kagabi.

Si Jeremy ang isa sa pinag-usapan nung nagsimula ang Starstruck dahil inamin niyang lumaki siya sa adoptive father niyang bading.

Ginawa pa ng Magpakailanman ang kuwento ng buhay niya nang sumali siya sa Wowowin.

Doon niya kinuwentong ulila na silang magkakapatid sa ina at iniwan daw sila ng kanyang amang si Angelito.

Nagtagpo kagabi ang dalawang ama ni Jeremy at nagkaroon pa raw ng konting tensyon sa backstage, pero na-handle naman nang maayos ng mga taga-Starstruck.

Doon na rin nilinaw nung tunay na ama ni Jeremy na hindi raw siya lasenggo taliwas sa ipinakita sa Magpakailanman.

Pero lalo pang naging madrama ang gabing iyun kay Jeremy dahil siya pa ang natanggal.

Isa pa naman si Jeremy sa mga Starstruck fina­lists na gusto ng mga movie press dahil talagang bumabati siya sa mga reporter na nasasalubong niya sa GMA 7 at natatandaan niya kung sino ang mga nag-interview sa kanya.

 

DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with