Aktres TH sa pagiging rich girl!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

Todo english pa…

Alam na alam ng isang female persona­lity na walang forever. Siya mismo ang makapagpapatunay nu’n dahil ilang beses na siyang nakikipagrelasyon pero sa hiwalayan din ‘yun nauuwi.

Kahit nga ang mga kasal na ay naniniwalang bihira lang ang panghabampanahong relasyon, ang tulad pa kaya ng female personality na ito at ng kanyang boyfriend ang puwedeng magsabing habambuhay na silang magsasama, kailangan pa nilang patunayan ‘yun.

Ang magandang female personality ang naging paksa sa isang umpukan nu’ng isang gabi, kalat na kalat na kasi ang pagiging reklamadora niya at mapili ngayon sa mga gagawin niyang proyekto, iba ang pakahulugan ng mas nakararami sa kanyang mga pinaggagagawa ngayon.

Komento ng isang source, “Actually, ang tingin ko sa babaeng ‘yun, e, tinatamad na siyang magtrabaho dahil nakasandal naman siya sa pader. Bakit pa nga naman siya magpapakapuyat at hahagok sa pagtatrabaho, samantalang buhay-reyna naman siya sa karelasyon niya?

“’Yun ang drama niya ngayon, ang kuwestiyunin ang role na ibinibigay sa kanya, ang pagiging mabusisi sa script, ayaw raw kasi niyang maging kontrabida siya.

“Kung talagang mahal niya ang craft niya, dapat, e, hindi siya ganu’n! Ang artistang nagmamahal sa trabaho niya, e, nagbibigay lang ng mga suggestions, hindi niya inuutusan ang production na baguhin ang script para sa kanya,” madiing pahayag ng aming source.

Hindi lang sa linya ng kanyang trabaho nega ang dating ngayon ng female personality, maging sa totoong buhay ay maraming nakakapansin ng kanyang napakalaking pagbabago, maraming makapagpapatunay sa paghiwalay niya sa estado ng kanyang nakaraan.

Patuloy ng isang impormante, “Hindi naman siya ganyan dati, e! Napakasimple niya, pero ngayon, palagi na siyang nakasimangot, parang meron siyang naaamoy na kung anong mabaho, saka spokening dollars na siya ngayon!

“Kausapin n’yo siya sa Tagalog, English ang isasagot niya. Ganu’n! Kaya mara­ming naninibago sa kanya, nagbago na pati ang tabas ng dila niya, Inglisera na siya ngayon!

“Hawa-hawa lang, ganu’n? Porke English-speaking ang boyfriend niyang yayamanin, e, kailangang king’s language na rin ang arya niya? Hindi kaya bagay sa kanya!

“Trying hard ang dating niya, kasi nga, e, hindi naman siya lumaking Inglisera! E, hindi rin naman siya galing sa rich family, hindi sila rich, kaya shock boogie ang mga nakakausap niya ngayon sa kai-English niya!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Angelica ‘nakaganti’ na kay Ellen?!

Ano kaya ang ginagawa ni Angelica Panganiban ngayon? Humaharap kaya siya sa salamin at saka ngumingiti siya nang palihim?

‘Yun ang tanong ng ating mga kababayan sa paghihiwalay nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Si Angelica ang karelasyon ni JLC nang biglang pumasok sa eksena ang sexy actress.

Wala rin silang pormal na hiwalayan ni Lloydie, sila ang orihinal na naghiwalay nang walang pagsasarado ng pintuan ng kanilang mga puso, hindi sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Siyempre’y hindi naman ipagbubunyi ni Angelica ang paghihiwalay ni Ellen at ng kanyang ex, pero sa likod ng kanyang utak ay ‘yun ang nakatatak, lihim at sarkastikong pagngiti na lang talaga ang magagawa ngayon ng dalaga.

Ang akala kasi nu’n ng aktres ay sila pa rin ni John Lloyd, pero meron na palang iba ang kanyang boyfriend, kaya umaray na lang nang umaray sa social media si Angelica sa sobrang sakit.

Paasa ang dating nu’n ni Lloydie sa pananaw ni Angelica, pinaniwala siyang sila pa rin, pero lumipad na pala sa Cebu ang aktor para kasamahin si Ellen Adarna.

Matagal na panahon ding ginamot ni Angelica ang nagnanaknak niyang sugat dahil sa pang-iiwan sa kanya ni Lloydie, bina-bash na nga siya nang kaliwa’t kanan, dahil hinahabol daw niya ang aktor na maligaya na sa piling ni Ellen.

Pagkatapos nang dalawang taon ay ibang-iba na ang takbo ng teleserye ng kanilang buhay, hiwalay na sina Lloydie at Ellen Adarna, na kanino nga naman ngayon ang huling halakhak?

ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with