President Duterte nagandahan sa mga endorser ng Beautederm
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Speaking of Pres. Duterte, nagandahan pala ang pangulo nang makita nito ang mga bagets politician na endorsers ng Beautederm ni Ms. Rei Tan ayon sa isang source.

Kabilang kasi sa endorsers ng Beautederm sina Mayor Donya Tesoro, Coun. Steph Teves, Coun. Kate Coseteng and Coun. Jannah Ejercito.

Lahat kasi sila, bukod sa mga young blood politician ang gaganda ng mukha at siyempre ang kikinis ng mga skin dahil nga sa pagiging endorser ng nabanggit na beauty products.

Naka-dinner nila ang kanilang tatay Digong kamakailan sa Malacañang.

Kaya naman daw nag-joke sila sa presidente na baka type niya ring gumamit ng mga product ng Beautederm na puwede rin sa mga macho bilang meron din naman silang endorsers na male politician na sina Board Members Jestoni Alarcon and Alex Castro.

Natawa lang daw ang presidente sa joke ng mga magagandang young politician at sabi diumano nito ay facial / mousturizing soap lang ang gagamitin niya.

More than 50 celebrity na ang endorsers ng Beautederm na umabot na rin sa Korea ang mga product.

At balitang ang susunod nilang endorser ay ang award-winning actor na in all fairness ay hindi tumatanda, si Christopher de Leon.

Hindi siya katulad ng ibang actor ngayon na pag umarte, walang emosyon. Hindi mo tuloy alam kung galit ba siya o kaya ay sarscastic sa ginagawang eksena.

By the way, last week nga pala ay nag-renew ng kontrata ang mag-asawang Tonton Gutierrez and Glydel Mercado sa Beautederm for another two years.

Bukod sa pagiging endorsers nila, reseller na rin si Glydel.

Yup, kahit nasaan siya, nakakabenta ng mga product ang actress.

Hindi rin nawawalan ng offer na movies and TV shows ang mag-asawa pero namimili sila ng mga gagawin.  

REI TAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with