^

PSN Showbiz

CabSec TV Host na

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  At home na at home na sa pagiging host ng public service program na Bagong Pilipinas sa PTV 4 si Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Yup, TV host na nga ang pinakabatang cabinet member ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Well, lutang sa Bagong Pilipinas ang kalamangan niya sa pagi­ging bata dahil nakikita na kahit mara­ming hinahawakang trabaho sa gobyerno ni Pres. Digong ay wala sa hitsura na napapagod pag nasa harap na ng kamera.

Actually, unti-unti na nga siyang nagkakaroon ng fans club dahil sa kanyang porma at karisma tuwing lumalabas ito sa TV at maging sa mga pulong balitaan para ipaliwanag ang kasalukuyang mga programa ng administrasyong Duterte.

Dahil din sa nasabing TV show, mabilis nilang naisusulong ang mga programa ng pamahalaan kabilang na Goodbye Gutom kung saan maalalang nagbigay ang Pangulo ng direktiba sa lahat ng cabinet members na pag-isipan kung paanong magiging mas effective ang pagtulong para mabilis na iahon ang maraming Pilipino sa sitwasyong ito.

“Gaya nitong Goodbye Gutom Program na ating tinutukan, napakarami pang dapat gawin upang tiyakin na mayroong sapat na pagkain araw-araw ang mga kababayan natin,” pahayag ni CabSec Nograles.

Si CabSec Nograles ay isang Dabawenyo, nagtapos ng abogasya sa Ateneo School of Law, dating Chairman ng Committee on Appropriations sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan ipinasa nito ang 2017 at 2018 National Budgets sa takdang oras. 

vuukle comment

KARLO NOGRALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with